Alam mo yung pakiramdam na, paglabas na paglabas mo ng bakuran ng bahay niyo ay biglang may siraulong naghagis sayo ng Goodbye Philippines na paputok? Yung tipong wala ka ng choice kundi pumikit na lang at magdasal. Habang humihingi ng kapatawaran sa mga nagawang kasalanan. O kaya naman ay humingi pa ng isa pang chance para mabuhay at mangangako na hindi mo na ulit sisilipan pa si inday ever, mabuhay ka lang.
Ganun talaga ang buhay, Minsan malakas ang trip. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay bibigyan ka ng time para makapagprepare . May mga times na bibigyan ka niya ng mga challenges na biglaan.
Sa pangalawang pagkakataon, Syempre nga artistahin ako, alam niyo naman. (hahaha). Muli akong naanyayahan sumali sa isang Funrun. Kung hindi ako nagkakamali, ang purpose ng Run for a cause na ito ay ipromote yung pag gamit ng mga natural products para sa ating health. Kung nung nakaraan ay nabigyan ako ng isang buwan para makapagprepare,iba ang sitwasyon ngayon , kasi this time, wala. As in biglaan talaga. Parang yung pakiramdam na kala mo utot lang, pag ire mo , tae pala. Masaklap basa pa. Ganun. haha
“Sa linggo samahan mo ko, tatakbo tayo sa FunRun, nairehistro na kita.” Yan ang sinabi ng mahal na mahal kong kuya. Gago siya. Hinayupak siya. Huhuhu
Badtrip! Kasi pano ba naman , hindi pa nga nag-uumpisa, palpak na kami. Winala ni kuya yung Running Number ko. Masaklap ako pa yung sinisisi. Binigay niya na daw sa akin . Pero I know deep inside my heart , wala siyang binigay. Anu daw?
Parang naging eksena sa pelikula ang pagtatalo namin.
Ako: kuya wala ka namang binigay eh.
Kuya: akala mo lang wala! Pero meron meron meron
Ako: pakyu!
Hahaha joke lang, mabait kaya akong kapatid at hindi sumasagot sa mga nakakatanda. Dito ko lang tinitira sa blog ko. Dito ako gumaganti. Bwahahahaha.
Kung gusto niyo ikwento ko sa inyo ang iba pang mga pangyayari, sabihin niyo muna na ang kyut ko. Hahaha. Pero ayun nga, 10K yung tinakbo namin. Hindi man lang ako pinagpawisan. Ehehe. Pano ba naman 2km pa lang sinakay na ko ng ambulansya. Hahaha. Kidding.
Yun na nga, Unlike sa ibang mga runners, wala akong running number. Kaya mukhang epal lang ako dun. Pero tumakbo pa rin ako. Nung una, Ramdam ko yung saya ng FunRun . Ang dami daming chiks Parang tukso lang na nagsasabi na kikilabotz habulin mo ko. Pakiramdam ko umislow motion yung momment habang dahan dahan tumutulo yung mga pawis ng mga chiks. Grrrr. Kakagigil. Ang saya. Hehe.
Wala namang naging problema sa first three kilometers, pero pagdating na ng pang apat. Unti unti ng bumigat yung mga paa ko. Sumakit yung tagiliran ko tapos hinihingingal na rin ako. Ayan na , nararamdaman ko na yung mga hirap.
Dun ko napatunayan na sa bawat pagsubok sa ating mga buhay, Laging may mga rason para tayo sumuko. But it’s up to you kung susuko ka ba o lalaban pa sa hamon ng life
At that point parang gusto ko na talaga sumuko. Promise.... Pero pagdating ko sa fifth kilometer, When im about to give up, Nakakita ako ng signboard na ang sabi
Remember the reason why you are running.
Oo nga naman, Matapos ko mabasa yun, Natauhan ako, Parang gusto ko tuloy pumulot ng sobrang laking bato na isasawsaw ko sa tae, tapos ibabato ko sa mukha ng kuya ko. Siya ang dahilan. Siya ang dahilan ng mga paghihirap ko. Hahaha. Di na ka maka move on eh noh?
Naalala ko yung isa sa mga Favorite kong quotes from Bo Sanchez. Yung life is not a sprint, it’s a marathon. Na yung mga taong nagtatagumpay ay yung mga taong hindi sumuko.Yung desperate enough to reach the finish line. Kaya pinagpatuloy ko. Jogging, Takbo sabay lakad pagnapagod na. Slowly but surely, umuusad ako at lumalapit sa finish line.
Sa ikapitong kilometrto, inip ka na noh? Tatlong kilometro na lang ipagpatuloy ang pagbabasa. Hahaha. Nakasabay ko yung isang bata. Siguro mga 10-12 yrs old yun. Sabi “Kuya kaya pa?” Hahaha takte Nakakahiya. Alam mo yung pakiramdam na gusto mo sipain yung bata , para siya yung kulelat hindi ikaw. Patol? Hahahaha. After that, tumakbo na ulit ako hanggang finish line na.
Nung nakarating na ko sa finish line , sinalubong ako ng palakpak ng kuya ko. Parang ang inspiring ng kwento ng pagtakbo ko eh noh? Hahaha. Tapos sabay asar , siya daw 53 minutes. Samantalang ako 1 hour and 22 minutes. Ukinam. Hehehe.
Sa huli, medyo mas bagal lang sa first 10 km run ko, despite all odds. Taas noo kong ipinagmamalaki na I am a finisher . At nag enjoy chiks hunting namin ni kuya after. Oh yeah...Thats the reward. Hahaha