Tuesday, November 18, 2008

Crazy, Crazy Sunday Part1

I started my Sunday very very early. Slept at 2am, woke up at 3. Got ready, dressed up. It was going to be a long busy day.

First stop.

Clark Freeport, Pampanga for the New Balance Power Race. It would be my first time to join a 10kilometer run and I was feeling nervous (afraid I wouldn't be able to finish the race with just 1 hour sleep) and excited (running on new route is always exciting plus if I make it, I'm gonna have my first finisher medal!) at the same time.

The race started at around 5:50am. The weather was excellent for a race day, it was cool and cloudy (contrary to what I expected of a hot Clark weather). The route was interesting with rolling hills and the greens and the mountains and all. More importantly, the air was fresh! A perfect day running my first 10k! :)

During the first 2 kilometers, I actually thought I wasn't going to finish the race. I honestly thought of going back. My left ankle (with a history of chronic ankle sprain per the md at pain and rehab, damn those boots! lol) was acting up, it was aching so bad! But I just ignored it and suddenly, like a miracle, the pain was gone! :)

Good thing I brought an ipod and it was a great help! When I was feeling exhausted, I would sing out loud with the music, sometimes startling other runners. :)

Then I started talking to myself. lol With each kilometer marker that I'd pass by, I'll start chanting: "3 more kilometers... 3 more kilometers", "2 more kilometers Fiona, you can do it!" and "1 more, you're almost there... don't stop running now, don't slow down... go, go, go".

And it all worked for me! I finished the race and I had a great finish!!! :) According to the iPod's stopwatch, I completed the 10k course (ahem, my first try!!!) in 1 hour 12 mins and 36 seconds (I was expecting to finish it in 1hour and 35mins)! Woohoo! It must have been the weather... or the pepping, I don't know! :p

Overall, this was the best race I have attended so far. There were ample of water stations (giving out bottled water every 2.5k), there were plenty of marshals, there were markers for every kilometer. All finishers received medals, bananas, a bar of chocolate, magazines, energy drinks and goodiebags. There were even physical therapists who helped runners recover after the race!

And did I mention the cute guys! Oh. My. Gosh. The cute guys!!! There were a plenty!!! Oh my, oh my! lol I don't know where to look coz there really were a lot of gorgeous (and muscled) guys who ran that day! Isn't it a great feeling, cutey guys running after you or you chasing (and sometimes overtaking) buff men?

Oh what a day! And it still is just starting...

Saturday, November 15, 2008

Si Angelina at si Yaya - Ang Ballet at Jazz class

Angelina: Yaya, attend tayo ng ballet at jazz class tomorrow. Then let's have dinner. Para sabay na din tayo pauwi.

Yaya: Ok.



(Kinabukasan)

Angelina: Yaya don't forget our ballet and jazz class later ha?

Yaya: Naku, hija, baka sa jazz class na lang kita masabayan. Di pa kasi tapos yung mga labada ko eh, tas magpaplantsa pa ko mamya. Pero sure yun, pupunta ako sa jazz lessons.



(A little later)

Yaya: Asan na kaya yung batang yun? Wala naman dito sa dance studio. Naku naman.



Yaya sa text: Angelina, asan ka?

No response.



(After ng jazz class)

Yaya sa text: Akala ko ba sabay tayong magcaclass? Ba't wala ka? Tsaka kala ko ba sabay tayo magdidinner? Tsaka sabay na tayo uuwi?

No response.



Yaya: Hay naku magkadaan nga muna sa Tapsilogan bago umuwi.



(Sa bahay)

Yaya: Bata, ka ba't wala ka kanina? At hindi ka pa nagreply sa text ko sayo. Akala ko ano na nagyari sayo.

Angelina sa text: Yaya, sorry, my phone is on silent mode eh. Di na ako nagclass, nagyaya kasi yung ibang classmates na magmall eh. So sumama na lang ako sa kanila.

Yaya: Jaskeng bata to! Sana sinabi mo agad, di ko pa tuloy natapos yung mga plantsahin ko.

Angelina: Sorry na nga eh!

Yaya: Oh eh ano pang magagawa ko? Aruy, ansakit tuloy ng mga balakang ko! Asan na ba yung Salonpas?



(Pag-alis ni Yaya)

Angelina: You're such a major loser talaga Yaya! Eh nde naman talaga ako sumama sa mga classmates ko magmall eh! Duh. Hahaha. Yung bagong classmate na si Kenneth kaya ang kasama ko!Ha. Ha. Nagchachacha kaming dalawa. It's so fun. And exciting!



Yaya: Aba putris na bata ka, naririnig pa kita uy. Dahil dyan, maligo ka magisa mo. Kaw na din magluluto ng pagkain mo araw-araw. Matuto ka na din maglaba at magplantsa, dahil lalayasan na kita.



Angelina: Yaya, joke only. Sorry na, pretty please, please, please (bats her eyelashes).





(hango sa totoong mga pangyayari.)

Wednesday, November 12, 2008

Si Angelina at si Yaya - Halloween Effectlavoo

I know super late na halloween post na ito. Hahaha. Pasensya na.

Ladies and gentlemen, I'd like to introduce Yaya (kaorkot edition)


Eto ang pustura ko sa office nung Oct 31, pinaghandaan ang pagtitrick-or-treat ng mga bata. Effort kung effort sa pagmumuk-up, spiel, and all pero in the end di sila pumunta sa department namin. Inis. Nasayang lang ang mga candies, kami lang din ang lumamon, at hanggang ngayon nde pa din ubos, andami pang lollipops na natira (nagsawa na nga ako sa kakapractice eh). Para nde masyadong masayang ang muk-up, nagphotoshoot na lang ako. Hahaha.


And now meet Angelina



After office, diretso kami sa Shake, Rattle, and RUN! The First Halloween 5K Night Fun Run sa Bonifacio Global City. At dahil costume-costuman itu, I decided to come as a running faery! ahihihihi. Pink kung pink ang wings at pink na pink ang feather headdress. Pink din ang aking towel, undies at energy drink! hahaha. Promise tumakbo ako ng nakaganyan. Hahaha.

O eto pa, silipin nyo tong mga ninakaw ko na pictures... (sorry po, wla ako dalang cam nun eh. tsaka sorry na din kung sino man kayo na nasa pictures, wag kau magalit sa akin, nisheshare ko lang ang ineffort nyong costumes. peace. haha) enjoy! hihihihi


Wonderwoman and Spartan Warrior


Find the Igorot guy


Ahem, child abuse ba aabutin ko sa kanila? Ahihihi


Cupid? Gardan Angel? ahihihihi

(Sayang, wala akong nakuhang picture ni towel guy, na tumakbo ng, oh well, nakatapi lang ng towel.)



Next year, runaway bride cguro ang drama ko! ahihihi Ayun lang. See you sa next race! Ready, Set, Run!

Friday, November 7, 2008

Kwentong Takbuhan

Bago ang kwento, kanta muna tayo, dedicated sayo.

You say, that you've always been true
Lookin' in your eyes, I see you lie
You're trying hard to hide that
There someone new you found and,
You want me to believe that you still care

How can you hurt me this way
Everything I knew was lovin' you
How could you try pretending
Your love was never ending

Now you can't even say that you will stay

How, how could you say you love me
When you would go and leave me
How could you make me hurt so bad
When I have loved you more than anyone can do
Can't believe the pain
That I'm feeling now because of loving

I can't seem to understand
How can love me so unkind
Still you broke my heart
Despite what I've done
Still my love was not enough
Though I given you my all
I can't take it anymore



O stop na ang atungal. Syet.

May isang blogger na nagtanong sa akin a few weeks ago, ba't parang hindi na daw ko tumatakbo. Actually, nde lang ako nagkukwento pero madalas pa din ako tumakbo. In fact, bawat lingo ng October may sinalihan akong takbo. At sa apat na takbong yun, apat na libras din ang nawala sa akin (pero yung 2 pounds na-gain ko ulit bwiset!).

Takbo Breast Friend nung Oct 5 (around Ultra, Meralco Ave, J. Vargas, C5 then back to Ultra). Sponsored ng Soroptimist. Breast cancer awareness ang advocacy ng run na to. Before ang takbuhan, tinuruan kami kung pano mageksamin ng suso, na kelangan daw gawin buwan-buwan, mapa lalaki o babae. Alam nyo ba na may mga lalaki din na nagkakabreast cancer? Sabi yun ni Ate na nagturo ng limang isteps para sa tamang pageksamin ng suso (pero dahil nde ako nakikinig, di ko na maalala yung mga isteps.)

Wla akong tulog bago ang race, pero siniguro ko na bagong shave ang aking mga legs. Para pag suot ko ang aking short shorts eh maganda tignan. At dahil halos lalaki ang mga kalahok (mga estudyante at mga pulis) at kokonti lang kaming, ehem, babae, lagi akong nililingon. Dahil ba seksi ako tignan from the back at maganda ang butt ko?! Hmpt, kainis. Pero mas kainis dahil pag tapos nila ako iovertake at lingunin, parang sila pa yung maiinis. Baket, dahil wala akong breasts? Mga hampaslupang manyak! hahaha.

Anyway, napagod ako ng husto dito sa race na to, dahil may uphill na sobrang haaaaba. As in pinagisipan ko talaga na makisakay na lang sa ambulansya at hindi na tapusin ang race sa sobrang pagod ko. Pero natapos ko pa din. Dahil dun sa cute na kapace ko na estudyante ata ng PNPA. hihihihi.


Adidas King of the Road sa the Fort nung Oct 11. Another sleepless race for me. At late kami ng mga 12mins. Ang magaling kasing si Jimboi, hindi nagpaalarm, at sinisi pa ko na hindi ko sya ginising. At yung dadaanan namin eh dadaanan din ng mga 10k at 21k runners kaya sinasarado yung daan. So ayun, napilitan kaming magpark na malayo sa starting line. So imbes na 5k lang ang takbuhin ko, naka-7k ata ako nun. Tsaka nakakahiya dahil nung papunta pa lang ako sa starting line at kasalubong ko yung mga tumatakbo, sinasabihan ako na the other way yung race (naman. as if hindi ko alam na against the flow ako di ba?!). Anyway, medyo mabilis ako sa race na to. Yun nga lang, dahil late, ampanget ng official time ko. At walang tubig, buti na lang may dala akong sariling energy drink. Hmpt.


Botak Paabilisan sa the Fort nung Oct 19. Stand up and take action, support the Millennium Development Goals naman ang advocacy ng takbong ito. About sa pagtulong sa mga ina at sa pag-aaral ng mga kabataan. Hindi naman totally sleepless ako sa race na to, may 2 hours of sleep naman ako dito. Maganda ang race singlet, kulay orange at black. Nakakatuwa dahil may mga Star Troopers na todo costume na nakitakbo kahit hindi naman costume-costuman effect ang run. Pero kaaliw pa din sila. Ang nakakairita ay yung ibang marshals dahil nung papunta na kami sa starting line, ang sabi nila pang 10k lang daw muna. So kami naman eh umalis at nagpicture-picturan muna sa mga Star Troopers at nagliwaliw lang. (Nakita ko din si Elma Muros kaso nahiya ako magpapicture. Hihihihi) Turned out na magkasabay palang tatakbo yung 10k at 5k runners. Hmpt. Naubusan tuloy ako ng hininga kakahabol sa mga nauna ng runners. Kainis. Competitive pa naman ako! Hahahahaha.


Yung last na takbo ko for October sa next post ko na ikukwento. Inaantok na ko eh. Hahaha. O sya babush muna mga Ateng!




See you at the next race. Ready, Get Set, Run!