Pages

Monday, December 14, 2015

Dream of Salvation.

Kagabi nanaginip ako.

May gera daw. Nakakatakot, pero sa panaginip ko mukha namang handa ako lumaban. Para akong actress na handa nang sumalang. Kinakabahan pero alam kong kakayanin ko. Nagpalit ako ng damit, nagsuot ng sapatos at humanda sa gera.

Hindi ko alam ang nangyari in between. Ang alam ko lang natapos ang gera. May relieve sa puso ko na tapos na siya. At buhay ako! Nanginginig ako sa takot pero tapos na siya. Tapos na!

Pero natakot ako afterwards kase na-realize ko, hindi ko alam nasaan yung family ko. Wala sila Mama, si Dadi, wala sila Kuya. Wala si Mayk. Ako lang, at yung iba kong kakilala.

Nagising ako. Nagpapalpitate. Na-relieve ako na panaginip lang yun. Pero panandaliang nagtanim ng takot at kaba yung panaginip na yun sa puso ko.

I started praying.

Multiple times na na-popoint-out sa church yung about sa kailangan hindi lang sarili mo ang dinadala mo sa church, kailangan yung mga mahal mo din sa buhay. Ngayon na-compare ko ang panaginip ko sa pagbalik ni Lord. When that day comes, sino ang handa? At kung isa ako sa mga handa, ang lungkot naman isipin kung ako lang pala at wala dun ang family ko.

My parents are seperated. At hindi ko alam sino ang makakarelate sa ganitong sitwasyon, pero nahihirapan ako dahil consistent na may mararamdaman kang paligid-ligid na guilt kapag kasama mo yung isa at yung isa hindi mo minsan mabigyan-bigyan ng panahon.

Siguro nasabi ko na 'to dati. Minsan gusto ko na nga lang lumayo. Actually gusto ko mag-disappear. Nakakapagod mamagitan sa dalawang isla. Literal na hindi mo alam san ka magsasagwan, at san ilulugar ang sarili mo.

Sa pag-akay ko sa Nanay ko sa church, makailang mahinang attempt lang ang nagawa ko. Bukod kase sa malayo ako sa kanya (dahil nasa San Diego siya, at ako sa L.A.), malayo din ang ugali namin sa isa't isa. Para kang naglalaro ng Minesweeper, kung naaalala niyo pa yun (yung mine bomb na game), isang maling salita lang ang mabitawan ko, sabog ang usapan.

Ang Tatay ko naman, may ibang church na inaattendan. I pray na nag-ggrow siya dun. At ang dalawa kong Kuya na nasa Pilipinas pa din ay purely catholic naman ang practice.

Now I'm not saying na masasamang tao ang mga magulang at kapatid ko at wala silang puwang sa langit--morbid much? Pero alam ko na they can still improve their relationship kay Lord.

Kung sasabihin ko ngayon na si Jesus Christ ang Lord and savior natin, for sure!!! ALAM yan ng lahat! Pero kung paano natin araw-araw na ipagpapatuloy ang buhay natin knowing na Jesus died for us, malinaw nga ba sa puso nating lahat?

I always pray na sana gumamit si Lord ng instrument para tuluyang mabuksan ang puso ng pamilya ko, tulad ng pagbukas ni Lord sa puso ko na tumanggap ng mga salita niya. Kung ako yung instrument, eh di let it be!

Mahirap i-explain ang salvation. Ayuko mag-mukhang self-righteous. Kahit ako ngayon na nag-cclaim and nagpo-profess na nag-ttransition na ako into a Christian, inaamin ko na minsan hindi ko pa rin ma-grasp ng buo kung ano nga ba yung totoo at anong ibig sabihin nito sa buhay ko. Hindi pa rin ako confident. Pero ang importante we go seek for Him. We seek until i-reveal niya ang sarili Niya sa atin.

Sa ngayon, naghahanda pa rin ako. Pero sa panaginip ko, I was prepared. Di ba maganda naman yun na handa ako? I was ready to face yung hindi ko alam, kase alam ko na I would make it. Kase nga prepared ako!

When it all ended, I was saved! I was supposed to be happy di ba? But then knowing that you made it alone? Wala yung family ko?

As I woke up from my dream, I felt like I woke up in reality din, that I should not just prepare myself. I should do my best din to bring my family with me sa libreng salvation ni Lord. And I don't know how to do that, but alam mo na, may paraan si Lord for everything. All we need is to ask for His help. Thank God nga si Maykel, asawa ko, kahit papaano he is starting to grow na din sa faith niya, pakonti-konti. Ayun.

Sabi ko nga di ba, I kept on praying kay Lord na buksan niya ang puso ng family ko, at kung ako yung instrument to do that, then gorabels! Pero sa araw-araw na pagdadasal ko, I was not doing anything really to get the job done. But now I know I need to do something.


-K.T. 2015

Monday, November 9, 2015

Psalm 37:4


I'm really on a mission for myself to seek God.

Kung medyo nagbabasa ka na ng blog ko noon. Kung kilala mo ko noon pa. Most likely ma-wi-weirdohan ka sinabi ko.

That's what I want right now. Actually, ang gusto ko talaga makasam si Mayk dito sa states and then for us to serve Him together. I want  to learn more about Him, to seek His wisdom, and to be able to impart this faith to others. Ang pinakamahirap eh kung paano ko kaya mahihikayat ang sarili kong pamilya at mga kaibigan?

Pero, nagsisimula pa lang ako sa journey na 'toh. And most of the time I find myself becoming too self righteous, o di kaya, I become to familiar that I tend to praise Him less... o di kaya I go back to conforming to the usual.

Pero kailangan mag-persevere. Persevere to follow Him.

Alam ko madami pa akong kailangan maintindihan, madami pang kailangan matutunan, malaman. It's not easy to decide to surrender everything to Him and for Him. Maraming trials and testings for sure. Pero I'm really excited to live a life focused to Him alone. I want to learn.

I want to invest to my faith. I'm really happy to be part of a small Christian community. Face to Face Church, Inc. It's a family, sobrang blessed.

On the last week of October, we were able to attend a concert Hillsong Night, and that night really blessed me a lot, too. Talagang I tried with all my heart to inhale the Holy Spirit, tried my best for the song to creep into my veins, na intindihin talaga yung bawat lyrics. I tried my best to worship and praise Him that night, and I came out so refreshed. Thank God for that opportunity to be able to glorify Him. Ang sarap sa puso.

I want to follow Him. Yun ang focus ko ngayon. I want to strengthen my faith. I'm really excited.

Life verse ko ngayon:

Psalm 37:4, Delight yourself to the Lord and He shall give you your heart's desire.

I am in a position right now na parang hindi ko alam at hindi ko naiintindihan ang mga nangyayari sa buhay ko. Wala ako sa situation where I  really want to be. Hindi ko nagagawa kung ano mismo ang pangarap ko. Sometimes hindi ko na nga alam ano na nga ba pangarap ko. But in this moment ko naisip na sa kanya ako mag-fofocus, and I know He will bring me to the desires of my heart.


Yun lang.

-K.T. 2014

Sunday, October 25, 2015

Seek.

Lumake ako sa isang Catholic school. Nag-rorosary kame araw-araw. Nag-Aangelus kapag 3 pm. Nag-nonovena kapag Wednesday. Pwera yabang, naging best in Religion ako nung grade 5. Pwera yabang ulit, nung college puro uno ang score ko sa Religion subject. Tapos, nag-papalagay ako ng abo sa noo pag ash wednesday. Sumasali ako sa pabasa sa harap ng bahay namin kapag Lenten Season. May palaspas. May simbang gabi. At may point pa sa buhay ko na nagsisimba ako kada Wednesday sa Baclaran, Thursday sa St. Jude, at Friday sa Quiapo. Medyo naiinitinidhan ko din ang ibig sabihin ng marami kapag sinasabi nila na hindi idolatry ang mga statue sa simabahan kundi gabay.

I still pay my respect sa pagiging Catholic. Alam ko na there's a meaning behind all these practices. Although honestly, I did stop practicing almost all of these na kinalakihan ko noon.

Ngayon, ano na nga ba itatawag ko sa sarili ko? Do I deserve na to be called a Christian?

One time, sabi ko sa classmate ko noon, hindi na ako umiinom, tumigil na ako uminom. Ang tanong niya sa kin, kung religous preference daw ba yun? Hindi ako nakasagot.

Ang tingin ko, may sariling paraan si Lord para magpakilala sa bawat isa sa atin. He will, on His own unique way. Mapa-Catholic ka man or mapa-Christian ka man or mapa-ano ka pa man. Ang exciting na part dito, napaka-unpredictable ni Lord. If we feel na hindi pa Niya tayo tinatawag, for sure He has been long trying to introduce Himself to us through our life's experience.

Pero ang mas exciting na part dito, kapag napag-desisyunan na natin na sumagot sa tawag niya. Kase that's a start, unti-unti nang magbabago yung perception natin. Mag-ttransform tayo into something new.

I guess the highlight of this post is really not to differentiate anything. I guess ang gusto ko lang talagang sabihin eh we need to answer back sa tawag niya, at magsimulang hanapin si Lord sa buhay natin.

Me being a Catholic, yung experience itself was not a waste. It was His instrument, at na-mold ako sa kung sino man ako ngayon. Me as a Christian right now, yup, I guess anyone can call it a preference. For me it's an opportunity to know Him better. It's not an easy choice, but it's the right choice, it's a fulfilling choice.

Sabi nga nung Ninang namin ni Mayk, kung saan ka tinanim, dun ka dapat mag-grow, regardless. Basta ang focus mo lang kay Lord, regardless kung ano man ang religion preference mo, regardless kung sino man ang leaders mo sa church na inaattendan mo, regardless kung sino mga kasama mo, ang importante you are able to serve and obey the Lord from wherever you are.


via

-K.T. 2015

Tuesday, October 13, 2015

Balik loob.

Hindi ko na kayang magsimula ng panibagong blog ulit. Ito na yun. Wala na akong magagawa. Kung ano man yung mga napakawalang kwenta kong naisulat dito sa blog ko noon, yun na yun. Alam ko na most of them pertaining to me, at sa buhay kong di naman interesting, pero, ayun. May mga English pa kamo. Sorry na. Ito na talaga yun. Di ko na mabubura, di ko na mababago.

Namiss ko na bigla mag-blog. Namiss ko yung mga panahon na wala akong takot magsulat ng kung anu-ano. Hindi takot ma-judge, hindi takot magmukhang tanga.

Pero ngayon, hi! Ito ako. Actually, wala namang ibang nangyari sa kin kundi tumanda lang naman ako ng konti. Tinubuan ako ng kapiranggot na kahihiyan sa balat. Pero nakakalungkot. Ang tahimik ko na ngayon. Awkward pa din, pero mas tahimik na nga. Nagkukunwa-kunwarian ang kaluluwa ko, kunyari reserved ang peg.

Pero yung totoo, nag-iingat lang ako, kase baka ako'y madapa.

At, hindi pa rin ako pumasa ng NCLEX on my second take. Pero actually, napaniwala ko ang sarili ko na papasa ako this time. As in. Nung nakita ko yung result, mas worst  siya compare sa first take ko. Hanep.

But I know na I did not fail. GOD will never fail. Magiging failure lang ako kung mag-quit ako. Alam ko hindi ko passion ang maging Nurse. Kung baga, singer na hindi marunong kumanta. Yun ako. (I mean literally, yun ako).

Pero kailangan kong tapusin ang nasimulan ko.

I already have too many beginnings without an ending, at ayukong isa na naman 'to sa maidadagdag ko sa listahan. Nakakapagod.

Hindi ko naiintindihan. Hindi ko alam ang dahilan. Bakit ba ako naging nurse? Bakit ako naka-graduate? Yung mga gusto ko talagang gawin sa buhay, na-stagnant na sila kung saan ko sila iniwan.

Pero yung pagpasa ko sa board exam sa Pilpinas, yun, yun ang parang bumatok sa kin, na para bang, "Sana naman by now alam mo na na ito ang purpose mo."

So ngayon, bakit hindi pa rin ako pumapasa ng NCLEX kung ito nga ang purpose ko? Kase kulang pa din. Alam ko yun. Ramdam ko yun.

Alam ko ang kaibihan ko sa mga kaibigan ko na nurse. Alam nila ang profession nila. Kung baga, sila, singer sila na marunong kumanta.

Unpredictable si Lord, yun lang ang masasabi ko in the end. Hindi ko alam paano maiduduktong permanently sa katawan ko ang pagiging nurse, pero alam kong kailangan kong gawin 'to kase may dahilan. Wait ka lang.
-K.T. 2015

Monday, July 20, 2015

Trials Key to Wisdom

What I think about trials is that it is a key to understanding God's wisdom.
Kase.. when we don't have any problems di ba?
It's very easy to advise people, it's very easy to give an opinion about something.

Kapag may problema yung kapitbahay mo tungkol sa relationship, you can easily give your thoughts about it... kase wala ka sa situation.

But when you get to be in the other person's shoes... kung tayo na mismo nakakaranas ng problema.. we would have a trouble following other people's advise as well. Pero ito ay learning stage... ang mga trials and testing natin, it is molding us to something better... na kapag na-endure natin, in the end mas matibay tayo.

Mahirap, pero may maliit na punla sa loob natin na lumalake... natututo tayo through experience.. something that you will never learn from listening to someone else's advise.

Kaya nga minsan ako. Ang hirap mag-bigay ng opinion, ng suggestion.. ng advise.. ng judgement. Bakit? Kase wala naman ako sa sitwasyon nila. Ayuko mag magaling sa buhay ng iba, dahil ako mismo sa mga problema ko tanga ako.




I have my own share of problems in this world.. and I believe that this is God's way para ma-mold ako sa taong gusto niya. To persevere in this trials is an endurance for my faith.

-K.T. 2014

Sunday, July 19, 2015

Being Sluggish is a mind set.


Hoy! Grabe ang intervals ng pagsusulat. I will try to keep up.

Today ang aking mahiwagang topic ay ang katamaran. I think it's perfect for me to discuss this dahil sabi nga ng pastor namin, you can't teach what you don't have, at ang dami kong katamaran sa katawan.

Pero chos. Hindi naman din ako magshashare ng topic to maintain it. Actually I'm writing this topic dahil matagal ko na gustong itigil ang pag-pprocrastinate ko sa buhay kong ito. But now I know why I can't do it. Hindi ko magawang maging masipag because I've been trying to do it by myself. But what I need to understand is that I need to work my faith… and to work it through my action.

If all the things I want to accomplish is for the glory and honor ni God, for sure I can accomplish it.

Disclaimer pala, the verses I got from our pastor's discussion the other day, and some words might also come frome him or some sa utak ko.


Hebrewes 6:12
That you do not become sluggish, but imitate those who through faith and patience inherit the promises.


I am Kamil, and most of the time I don't have commitment on things I want to accomplish. Ningas Cugon nga. Kaya ayun, magigising na naman ako isang umaga at wala pa rin akong nararating, dahil hindi ko naman natatapos ang lahat ng pina-plano ko sa buhay.


Proverbs 24:30
I went by the field of the lazy man, and by the vineyard of the man devoid of understanding. And there it was, all overgrown with thorns; Its surface was covered with nettles; its stone wall was broken down. When I saw it, I considered it well; I looked on it and received instruction: A little sleep, a little slumber, a little folding of the hands to rest; So shall poverty come like a prowler, and your need like an armed man.


Do not be lazy. Do the things you need to do before the things you want to do. Yan ang sabi ng pastor namin. That being sluggish is a major mind set.

I have a lot of important things to accomplish. I need to study for my NCLEX, yan ang isa. Kailangan ko na ayusin ang career path ko. Pero kung araw-araw after work, uuwi ako para humiga sa kama ko at mag-procrastinate, I don't think that would lead me anywhere.

If I want to inherit the promise I have to work for it and not be lazy. I am not just talking about personal goals, but also my spiritual goals na din. Ay naku isama na natin jan ang fitness goals! Haha.
-K.R. 2015

Wednesday, May 27, 2015

Masaya.

Pumasok si Mayk sa work, at naiwan ako dito sa bahay. Naalala ko lang yung mga panahon dati na ganito din, ang dami kong panahon para magsulat tungkol sa buhay ko. Ang dami kong oras para magsulat tungkol sa mga weird na bagay na laman ng utak ko. Sa buhay ko kase sa states, parang ang bilis, ang competitive ng mundo dun.

Nakakamiss magsulat. Nakakamiss mag-blog. Kung pwede lang ikabuhay ko ang pagsusulat, ang sarap siguro nun.

Ang saya saya saya saya ko ngayon. Yung masaya na parang gusto ko ng umiyak. Ang weird ng buhay. Masyado akong favored at blessed kahit hindi ko deserving ang maging favored at blessed. Masyado akong mahal ni Lord kahit ang dami kong pagkukulang sa kanya. Nakaka-guilty ng budhi.

Masaya ako dahil kasama ko si Mayk. Hindi mayaman si Mayk, di niya kaya ibigay ang mundo sa kin. Pero yung simpleng buhay ko kasama siya, yung pamilya niya, masaya na ko. Hindi naman sa nagsasalita ako ng tapos, pero sa ngayon, ramdam ko talaga na mahal ako ni Mayk, na aalagaan niya ko, na secured ako. At walang katumbas ang pakiramdam na yan sa material na mundo.

Madami pang kailangan asikasuhin sa kasal. Ang gusto ko lang naman eh maging intimate ang celebration na 'to. Ayuko ng bongga, butas ang bulsa, sabay naging formality na lang ang ceremony. Gusto ko simple, masaya, chill.

Kaso budget din talaga, sobrang tight. Bahala na si Lord mag provide. Alam ko na magpprovide siya, dahil alam ko na sa kanya naman namin inaalay ang kasal na 'toh eh. Na sana yung marriage namin eh mag-serve sa kanya pagdating ng panahon.

-K.T. 2015

Sunday, April 19, 2015

Family oriented.

Nung nagdalaga ako, katulad ng ibang ka-age ko, mas close ako sa mga kaibigan ko at mas naka-focus ako sa sarili ko. Madalas ako makipag-away sa Nanay ko at sa mga kapatid ko. Spoiled ako sa Tatay ko.

Nung time na umalis na sila Dadi at si Mama papuntang states, nung una okay pa ko, naiisip ko, yes may magulang akong OFW!

Before sila umalis, buo kame. As in magsisimba pa kameng magkakasama. Alam ko sila kuya mukhang napipilitan lang, pero sumasama pa din naman. Nung nasa states na sila pareho, nag-drift na kame palayo sa isa't isa. Hindi naman agad-agaran, pero unti unti.

Dun na ko nagsimulang malungkot para sa pamilya ko. Dun ko naisip na, oo, alam kong umalis sila at nagsasakripisyo sila para sa min, pero anong gamit ng pera kung watak-watak naman kame?

Dun na ko nagsimulang mainggit sa mga kaibigan ko na buo ang pamilya. Naging inggitera ako, hindi sa mga materyal na bagay, kundi inggit ako kase gusto ko din ng pamilya na buo. Salo-salo.

At minsan ang nakakatawa na nakakalungkot at the same time eh habang kasama natin ang pamilya natin, hindi naman talaga nating nakikita yung blessing na dinudulot nun. May mga pagkakataon na hindi natin masyadong napapahalagahan yung mga taong yun na nakapaligid sa tin. Pero kapag wala na sila, emote emote naman tayo. Arte-arte naman.

Impossible man, pinagdasal ko pa rin kay Lord na sana mabuo na ang pamilya ko ulit.

Pero si Lord, He will always give you His answer sa napaka-kakaibang way. Sa very unexpected way.
Sabi nga kase, "For my thoughts are not your thoughts, neither are your ways my ways," Isaiah 55:8.

Hanggang ngayon, hindi pa rin naman buo ang family ko, pero nasagot na ni Lord ang prayers ko na yan.

Sinagot Niya ang dasal ko nung tumira ako kila Mayk. Tinuring akong anak at kapatid ng pamilya niya. Mangiyak-ngiyak pa ko nung na-realize ko na nasagot na pala yung dasal ko.

Simple lang ang buhay, pero salo-salo. Ang sarap. Kinatutuwa ko pa nga kay Mayk, sasabihin sa kin nun, bumaba naman daw kame para makipagdaldalan kila Mama niya o sa mga kapatid niya. Nakakatuwa kase di naman kadamihan ang pera, pero lagi naman magkakasama. Minsan magkakatampuhan, pero ganun pa rin, pamilya pa din.

Sa sobrang saya ko, malulungkot ako, kase maiisip ko ang mga kuya ko na malayo naman sa kin. Pare-pareho naman kame nasa Pinas, pero di ko naman sila kasama. Kaya nun, basta may time, inaaya ko sila na lumabas naman kame paminsan-minsan.

Dito sa states, hiwalay pa rin ako sa magulang ko. Need ko kase mag-stay sa LA kase nandito ang trabaho. Pero hanggang dito, sinalo pa rin ako ni Lord.

Currently nakatira ako sa bahay ng mag-asawa kong kaibigan, si Joshua at Jak, at kasama ko din yung mga magulang nila ngayon sa tinitirhan ko. Nagpapasalamat ako kay Lord kase ito na naman, I landed to a home na pamilya na naman ang turing sa kin.

At kahit nga hiwalay ako sa totoong pamilya ko, ang naiisip ko na lang, I will never be the person that I am right now kung di din dahil sa naging sitwasyon ng pamilya ko.

At kahit na magkakalayo kame, sinusubukan ko na lang i-enjoy ang mga oras na magkakasama kame, and I try my best na lang na palalimin pa yung relationship ko sa mga magulang at kapatid ko in spite of the distance.

Actually, hindi pa rin naman ako tumitigil umasa na i-ggrant ni Lord ang prayers ko na maging buo ulit kame as a family. Alam ko ang impossible, pero what's impossible with the Lord?


-K.T. 2015

Saturday, April 18, 2015

Immortal Hiking

Ben Overturff Trail - Monrovia, CA
4/18/2015
So far I've been sa isa o dalawang hiking, at so far din, friendly naman yung mga napuntahan namin dati. Pang pamilya!! Nung nag-punta kame sa Ben Overturff Trail sa Monrovia, CA, ang immortal nung hiking, pang ninja level!

Unang-una, yung parking hanggang entrance nung hiking 1 mile na agad. Usually patag naman ang nilalakaran namin sa mga previous hike, kung may matarik man, eh konti lang. Eh itong nangyari sa min sa Monrovia, OMG, puro matarik, SOBRANG TARIK! Na-test and trial ang katibayan ng malaki kong binti! Mismong babalik ka na lang sa parking lot, matarik pa din! Walang katapusan!

Okay na sana eh, kaso pagdating sa dulo nung hiking parang hindi naman fulfilling masyado. May maliit na kapiranggot na spring water (ang linis niya infairness), at yun lang. Tapos pinaasa kame na may makikita kameng cabin, pero imagination lang pala siya. History lang. Ruin na lang nung Deer Cabin ang nakita namin. Actually, di pa nga namin nakita, nalagpasan namin, dahil nga ruin na lang siya hindi namin siya napansin.

Pero base sa calories na na-burn ko during hiking, eh yun naman ang part na fulfilling. Maglakad ka ba naman up and down for almost 4 hours, eh kung di pa naman ako mag-burn di ba?
 Ayun lang.




-K.T. 2014

Happy New Year 2015!!

New year sa kalagitnaan ng April. Abnormal. I know.

Denelete ko lahat ng recent post ko. Kapag kase bumalik ang future self ko sa mga post na yun, wala siyang mapapala. Ang dami-daming nangyari, mga major events hindi ko man lang na-ikwento. Pero yung mga sobrang lungkot at negative, naisulat ko. Sa pagkakaalam ko hindi naman kubeta ang blog ko na ginawa para lang maging labasan ng sama ng loob.

Kaya ito, HAPPY NEW YEAR sa blog ko!! Let's start all over again, para happy!

Hindi ako pumasa ng nursing licensure exam ko nung February 28 at nag-pass away naman yung Lolo ko nung March 5. May iba pang bagay, na hindi ko na isusulat. At aaminin ko, kung iisipin eh na-down naman talaga ako, at naloka. Pero in spite of all these troubles, aaminin ko din na I felt the strength in my heart, spiritually. Yung tipong malungkot, pero alam mong hindi pa katapusan ng mundo. Ramdam ko sincerely na may dahilan si Lord. In the end alam ko na may direction ang mga challenges na 'to sa buhay ko. Alam kong hindi impulsive si Lord. Naplano na niya in details ang buhay ko. Ayun. Kaya totoo lang, napagdaanan ko naman ng maayos ang mga ka-dramahan na nangyari sa buhay ko netong mga nakaraan.

Right now, I'm just floating in the middle. Kase I'm waiting for that day na tutunganga lang ako during  weekends.

Hinihintay ko yung Sabado na gigising ako na masakit ang katawan at ulo dahil sa sobrang haba ng tulog. Yung sabado na bago mag dapit-hapon, malinis na ang kwarto, wala ng labahin, nakaligo na. Yung wala kang ibang iisipin kundi humiga sa kama at tumunganga. Yung tipong ang freshness before sumapit ulit ang Monday.

Ngayon kase, parang wala naman nangyayari pero parang ang busy. Pag weekdays, nauubos oras ko kaka-exercise, tapos kakaen lang din naman ulit. Nauubos kaka-scroll sa facebook. Tapos pag weekend naman, ang daming plano sa buhay. Katulad bukas, mag-ha-hiking kame at pagka-hiking, uuwi naman ako sa San Diego para dumalaw sa family. At anong oras na right now? Nag-bblog pa din ako. Tapos maya-maya, mapupunta na naman 'to sa draft at hindi ko na naman i-popost 'to. Sayang ang puyat.

Ayun.

Ang major good news ko eh ang pag-uwi ko sa Pilipinas. At alam ko naman na walang nag-babasa ng blog ko, kaya sasabihin ko na din ang news na, magpapakasal na ako pag-uwi ko!

Minsan, mag-eexplode na yung utak ko sa sobrang excitement. Ang gusto ko lang naman eh makasama at makita na ulit si Mayk. At ayuko kiligin masyado, kaya mag-ppretend na lang muna akong hindi excited. Ayun, 29 days na lang from now, uuwi na ko!!!!

Yung plan nga namin sa kasal, ang gulo-gulo pa din at hindi pa organize! Humihingi na lang talaga ako ng provision kay Lord right now sa pagdedesisyon at sa finance ng kasal namin. Ayun. Minsan nga sa sobrang tiwala ko kay Lord, nag-woworry ako na hindi man lang ako nag-woworry. Kaya ayun, bigla akong nag-woworry tuloy. Lol.

Anyway, magkkwento pa akong madaming madami, pero sa ngayon, I need sleep. Kaya bye!


-K.T. 2014