araw ng wednesday, june 13, 2007, kaarawan ng ako. araw na naglipat ng buhay sa dormitoryo. hek hek. saya parang bahay bahayan lang–charing. kinabukasan, june 14, 2007, pasukan na. aga ko nagising, sa isip ko hahanapin ko pa yung mahiwagang kwarto namin para sa subject na religion, musta naman yun? kami lang yata may pasok, NO, ang totoo niyan kami lang ang maaga ang pasok, biro mo ako lang ang gising na katauhan sa kwartong tinutulugan ko?
exsaktong 6:30am walang labis walang kulang layas ako sa dorm deretso sa skwelahan na pinangalanang cento escolar university. di ko na ikekwento ang kabuuang nakaraan ng university na ito dahil di ko rin maisip at tingin ko di rin kayo interesado.
fast forward. nasa room na ako, katabi ang isang buong row na maingay habang puno ng katahimikan sa iba pang upuan na nagkakanya kanya ng pamumuhay, nang biglang..badtrip!
MALI PALA AKO NAPASUKANG ROOM? N*******A
don’t panic.
tinginan kami ng sched sa isa’t isa. may nagpapalakas pa ng loob ko na nagsasabing baka ganun naman daw talaga ang sched. imbis na DENTSC401 pala ang pasukan kong room, DENTSC410 pala. hmmmm? siguro naman for every rule there’s an excemption, at kitang kita naman ang ebidensya na medjo duling ako at nagkapalit lang ang dalawang huling numero? okei.,?
rewind. dali-dali akong naglakad sa hindi ko alam kung ano nga ba nilalakaran ko, tapos sabay tanong sa lahat ng maaring mapagtanungan ng room na ito. di ko rin nagets kung san ako tinuro, kaya napasunod na lang ako sa mga taong katulad ng uniporme ko habang kunwari na lang di ako naliligaw, napaikot sa buong unibersidad bago pa man matagpuan ang gate na…ay yun pala yung tinutukoy niya..okei. nagtanong sa guard, sumunod na lang daw ako sa mga nakaputing nagkalat sa iba’t ibang dereksyon. okei, paltos na paltos na ang paa. tama nga ang sabi na mabenta talaga ang band-aid sa unang araw ng pasukan. okei. isa pang building ang napuntahan ko, pero di ko na malakad sa dami ng paltos. ang shocking moment ko pa habang naghihikahos sa paltos.. FOURTH FLOOR pa ang room ko..okei ulit. nakakalungkot isipin kase pagtingin ko sa itaas nasa third floor pa lang ako, pero parang hay,.. wag na lang magsalita…geh pa akyat pa..konti na lang..
nang nakita ko ang DENTSC401, parang nagsilabasan ang mga anghel at mga magagandang babae sa balat ng lupa na nagsisikantahan pa.may mga macho papa din na may pakpak at buntot..okei.
mga 5minuto ako maaga kaysa sa binigay na oras na 7:00am. dali dali pumasok at nakipagngitian sa mga bagong friendships.
okei fast forward. buti na lang may karamay ako. GUIA. pareho kami ng section, at may karamay akong napahiya sa buong klase. pero ang totoo niyan. marami talaga ang napahamak sa DENTSC410 at DENTSC401, dahil ayun sa survey marami talagang blockmates ko ang naligaw dun.
kase naman po sa susunod baka pwedeng uhm uhm bla bla bla..pwede?
ayan. yan na muna.
**chao**
**kamil**