Pages

Saturday, August 31, 2013

Bading siya.

Sobrang miss na miss ko na si Mayk. Gusto ko siya makatabi sa pagtulog. Gusto ko siya makasama. Gusto ko siya mayakap. Gusto ko siya ma-kiss. Wala naman akong ibang choice. Nagwiwish na lang ako gabi-gabi na sana mapanaginipan ko siya, para kahit man lang sa panaginip magkasama kame.

At kagabi nga napanaginipan ko siya. Kaso sobrang sh*tty nung panaginip ko dahil BADING daw siya! Tapos worst, may iba pa siyang mahal! Syempre, lalake yung mahal niya dahil nga bading siya. Hindi ko alam bakit kailangan pa niya maging bading sa panaginip ko. Wala naman akong against sa bading syempre, pero gets mo naman siguro nararamdaman ko kung boypren ko malalaman kong bading, di ba? My Husband's Lover ang peg?

Iyak daw ako ng iyak dahil nakipagbreak siya sa kin. Pero tinanggap ko naman daw na wala na ako magagawa. Sa buong panaginip, ang sakit sakit ng puso ko kase feeling ko totoo talagang nangyayari. Alam mo yung kurba ng bibig mo kapag paiyak ka pa lang? Literal na nagising ako sa ganung state, at paiyak na talaga.

Buti na lang pag-gising ko puro message ng pagmamahal ang natanggap ko mula sa kanya sa wechat, at may blog post din sya dun sa private blog namin. Gising na ko. Panaginip lang. Ayuko na managinip ulit ng ganun.

Pero sh*t talaga, nanaginip na naman ako. This time, pinagpalit na niya ako sa babae! Well hindi naman talaga pinagpalit pero basta may instances dun sa pangalawang panaginip ko na pinabayaan niya ko at yung buong attention niya napunta dito sa isang babae. Galit na galit daw ako. Tapos nung binalikan niya ko, hindi niya alam kung anong ginawa niya para magalit ako ng ganun.

Hindi naman ako naniniwala na may meaning yung panaginip ko, or kung meron man meaning, hindi ako naniniwala na patungkol toh sa pagtataksil ni Mayk sa kin. Imposibleh. Pero aaminin ko, nalungkot ako dahil jan sa mga panaginip na yan. Sino ba namang hindi?

Sige na nga! Okay lang kahit hindi ko siya mapanaginipan, kung ganito lang din mga klase ng mapapanaginipan ko!

At syempre malungkot ako dahil nga napakalayo ko kay Mayk. Nung umalis ako at nagkalayo na kame ni Mayk, medyo nag-swak din yung sched niya sa oras ko dahil panggabi siya sa work. So pag-uwi niya sa umaga nagkakausap kame, and its all good. Pero lately sobrang nawiwindang ako sa binibigay na sched sa kanya. Magkahalong pang umaga at pang gabi. So may mga araw na hindi kame nakakapag-usap. Okay lang naman, kaso ang lungkot lungkot.

At ngayon mas expected pa namin na mas magiging complicated lalo ang communication namin, dahil nga lilipat na ko sa L.A., at wala pang internet or wi-fi dun sa lilipatan ko. Hindi ako nag-aalala sa mismong relasyon namin, dun lang talaga sa form ng communication namin. Walang araw na hindi ko naiisip na sana magkasama na lang kame ulit. Hayyyy.

original post: 8/27/2013
 photo collage.jpg

Wednesday, August 28, 2013

Job offer and Tita L!


Kung gaano katumal ang buhay ko nitong apat na buwang nakalipas, eh siya namang ulan ng blessings nitong mga nakaraang linggo. Naaalala ko tuloy ang mga pagmumukmok ko dito sa blog tungkol sa kalungkutan ko dahil hindi ako makahanap ng trabaho. Pati na rin ang mga comment na todo suporta at palakas ng loob. Yung mga tipong "Pasasaan pa at makakamit mo din ang mga pangarap mo."

At ikkwento ko na nga ang mga blessings na tinutukoy ko.

Kahapon, excited na excited ako sa lakad ko dahil solo flight akong pupunta sa Los Angeles. Sumakay ako ng train. Oo. Feel na feel ko ang mga pagkakataon na ganito kase feeling ko napaka independent ko.

Dalawang oras din ang byahe. At dalawang oras kong pinipilit matulog dahil feeling ko inaantok talaga ako, at nung sa wakas nakarating na ako sa REM stage, eh isang station na lang kame hanggang sa destination ko.

Hindi ko pa pala nasasabi bakit nga ba bigla akong pupuntang L.A.

Ito na! Sasabihin ko na! Pumirma na ako ng job offer!!!!! Oo!! May work na ko! Totoo na toh! At nasabi ko na, na temporary lamang ang trabaho na toh! At titingnan pa nila kung i-reregular ba nila ko or not base sa performance ko!! Pero masaya pa rin ako! Hindi kame agad nag-usap kung kailan ako magsisimula. Dito kase sa states laging may background
check kahit saan ka magpunta. Kahit dun sa volunteer job ko, hindi ako basta-basta natanggap dun. Ang dami ko ding inasikaso doon (paper signing, medical at background check) bago ako na-clear at natanggap bilang volunteer. Parang NBI baga sa atin, pero imbis na pipila ako sa napakahabang pila sa NBI eh ibibigay ko lang sa kanila ang mga kailangang impormasyon at sila ng bahalang magprocess ng lahat.

So in short, maghihintay pa ulit ako ng mga isang week (ayon sa HR na nag-asikaso sa kin) which is tamang-tama lang para sa kin dahil may gathering ako kasama mga relatives ko sa San Diego, at dahil maglilipat pa ako ng tirahan!

Oo!! Mag-momove na ko sa L.A!! Which is exciting kase mabubuhay ako mag-isa muli! At ang totoo niyan, kaya feeling ko sobrang blessed ako dahil nakahanap na kame agad kaninang umaga ng malilipatan ko!

Ang original plan talaga eh maghanap ng studio type apartment para sa kin. Meron naman kameng nahanap na nag-swak sa budget ko, kaso sabi ko nga di ba? Lahat dito bina-background check. Plus, gusto nung mga apartment na napuntahan namin eh ang proof of income ko! Eh hello? Di pa nga ako nag-uumpisa mag-work.

So hanap ulit kame (kasama ko ang Dadi ko at step-mom ko). Naghanap kame sa mga Filipino store ng mga fliers na advertised din ng mga kabayan natin. At dun nga namin nakita ang magiging land lord ko simula ngayon na tawagin na lang nating si Tita L!

Hindi 'to apartment, ito ay residential house! So para akong mag-boboarding house! Pero naging kampante sila Dadi dahil nga si Tita L ay Pilipino rin! Tapos unlike nung mga una naming pinuntahan na apartment eh may gamit na ang kwarto na rerentahan ko. (Hindi ko na pproblemahin ang pagdadala ng mga gamit at furniture na panibagong gastos pa). Maganda ang bahay, halatang na-mamaintain! At mabait at masayahin si Tita L! Actually, feeling ko super close na nga agad niya kay Dadi at sa step-mom ko! At eto pa ang panalo, may TFC sila Tita L!

Sobrang blessing na makita namin si Tita L! Masaya ako dahil nahanap namin ang fliers niya!!! Feeling ko talaga ni-lead kame ni Lord sa kanya. Kase ang baba lang ng deposit namin, at wala ng mga background check at hindi na rin nanghingi ng proof of income! Thankful talaga ako!

Sabi ni Tita L. "Safe na safe ang anak niyo dito." Una ko agad naisip, "Shet, hindi ako makakapagyosi dito." Haha! Sign yata ito na kailangan ko na tumigil. Pero mas pipiliin ko na syempre na may matirhan kaysa makahanap ng lugar na mapag-yoyosihan.

original post: 8/24/2013
 photo collage.jpg

Monday, August 26, 2013

Appreciation.

Tinawag ako nung boss ko. May sasabihin daw sa kin sa meeting room. Punta naman ako agad, and when I entered the room, there were foods on the table, and all of them are smiling and shouting "SURPRISE!" o "CONGRATULATIONS!" o basta. Hindi ko na maalala kung ano nga ba sinisigaw nila kase masyado akong na-overwhelm sa kaligayahan, at ang unang tanong ko talaga ay, "bakit?" na para bang hindi ko deserve ang hinanda nila para sa kin.

Para daw yun sa pag-tulong ko sa office at sa pagkatanggap ko sa trabaho sa L.A. I felt so special. Nasabi ko na toh sa nakaraan kong post, dito. Sobrang na-aacknowledge talaga ang maliit kong presensya sa office na yun.

Pinaupo nila ako agad, tapos may letter para sa kin na sinulatan nila lahat at may maliit na bouquet ng flower na nakalagay sa isang maliit at cute na vase sa harapan ko (na nung una hindi ko pa pinansin kase akala ko talaga design lang sa table--pero para pala talaga sa kin). At pagkatapos nung muntikan kong pagluha slash pagtakip ng bibig slash pag-dilate ng mata, hindi ko na alam kung paano ko i-eexpress in words yung gratitude ko sa pinapakita nilang appreciation sa akin. Nakalutang ako sa kaligayahan kanina.

Ang sarap pala sa feeling pag binigyang pansin yung mga maliliit mong contribution kahit hindi mo hinihingi at nang hindi mo ineexpect.

Doon sa inapplyan ko sa L.A., habang nag-fifill-out ako ng form, may pinabasa din sila na storya sa kin  (na I guess pinapabasa din nila sa lahat ng job applicants nila). Hindi ko na maalala kung ano yung buong kwento, pero medyo naaalala ko pa yung idea. At gusto ko i-share sa inyo ang kapiranggot na value na nalanghap ko from it.

Ang kwento ay tungkol sa pagbibigay mo ng best mo sa trabaho. Lahat tayo gustong mag-succeed, pero hindi lahat kayang ibigay ang lahat para mag-succeed. Gaano ba talaga ka-importante yung maibigay mo ng buong-buo sa kumpanya ang unique mong kakayahan? Gaano ka-importante na malinis at tapat ka? Worth it ba na maibigay mo ang mga ganitong klaseng effort ng todo-todo?

I mean, alam natin na minsan ang pinaka-motivation natin para magtrabaho eh mag-survive at kumita ng pera. Nag-wowork tayo para sa sarili natin o di kaya para sa pamilya natin. Minsan madami ring issue at problema sa araw-araw. Pero magttrabaho na rin naman tayo, mapapagod na rin naman tayo, magsasayang na rin naman tayo ng sandamakmak na oras araw-araw, bakit hindi pa natin gampanan ang kailangan nating gampanan, bakit hindi pa natin gawin ang dapat gawin, tapusin ang dapat tapusin? o higitan pa ang lahat ng ito?

Para naman yung effort at oras na nilustay natin eh mag-grow. Parang halaman na hindi mo lang basta tinanim, kundi diniligan at nilagyan mo na rin ng fertilizer. Hindi lang tayo sa kumpanyang pinapasukan natin mag-ggrow, kundi mag-mamature din tayo personally at professionally.

Sa huli, yung maliliit na effort mo eh magbubunga ng malaki. Hindi ba masarap sa feeling yung hindi mo namamalayan, asset ka na pala sa kumpanyang pinapasukan mo? Hindi ikaw yung luluhod at magmamakaawa sa boss mo para wag ka tanggalin sa trabaho. Baka nga isang araw ikaw pa yung maging boss eh, di ba? Pwede ring pag-agawan ka pa ng mga kumpanya. Maaaring tumaas hindi lang ang sweldo mo kundi pati na rin ang dignidad mo para sa sarili mo.

Hindi ko sinasabi na madali, lalo na't may history ako ng pagsuko sa mga nakaraan kong trabaho. Pero hindi rin naman imposibleh di ba?

At tingin ko, kung ang trabaho mo ngayon ay ang pangarap mong trabaho, siguradong mas malaki yung chance na mag-susucceed ka sa trabaho na yan. Advise nung boss ko sa kin kahapon, kapag hindi mo gusto ang trabaho mo, QUIT! Wag ka na magsayang ng oras sa bagay na hindi mo gustong gawin. Magmadali ka na maghanap ng trabaho na nakikita mong successful 5 years from now. Sabagay, may point siya. Simple lang naman di ba? Mahirap nga naman gawin ang bagay na ayaw mong gawin.

Na-inspired ako. Lalo na sa pagmamahal na pinakita sa akin ng mga katrabaho ko sa volunteer job na toh, it was so rewarding and fulfilling! Nakakataba ng puso. Feeling ko tuloy ngayon, handa na ako ibigay ang best ko sa future endeavor ko.

Original post: 8/21/2013
 photo collage.jpg

Friday, August 23, 2013

Excitement.

Alam mo yung sinasabi nila na pag masyado mo inaanticipate ang isang bagay eh hindi ito matutuloy? Nangyari ba sayo toh nung bata ka? Yung pinipilit mong matulog the night before ng fieldtrip mo at hindi ka mapakali!! At pinipigilan mo maging excited kase gusto mong maging perfect ang araw mo bukas. Para bang kapag nasobrahan ka ng excitement eh majijinx ang lahat. O ako lang ba yung ganito?

Ganun lagi ang nararamdaman ko tungkol sa madaming bagay. Parang hindi ko masabi ang kaligayahan ko hangga't hindi ko pa talaga hawak sa kamay yung prize. Kahit nga minsan nasa kamay ko na eh, ayuko pa rin angkinin. Tama naman yun di ba? Tama nga ba?

I've been like this for as long as I can remember. Medyo melodramatic at alam kong mali din sa madaming aspeto yung ganitong ugali. At totoo lang, ayuko na talaga pigilan ang sarili ko na ma-excite. Ayuko nung ganitong outlook ko sa buhay.

Pero guess what? Para na siyang naging natural na reaksyon ng katawan ko.

Gusto ko ma-excite. Gusto ko talaga. Alam ko sa sarili ko na yun yung totoong nararamdaman ko.

At alam mo kung bakit gusto kong ma-excite? Kase tinawagan na ako nung inapplayan ko sa L.A.! Maghanda daw ako dahil  tatawagan ako for appointment para asikasuhin ang mga requirements ko for hiring! Actually, nung isang araw pa ako natawagan! Hanggang ngayon wala pa rin akong reaksyon. Parang akong ingat na ingat sa mga kilos ko! Natatakot ako na matumba yung sarili kong pyramid na binuo ko mula sa baraha.

At dapat nga nung isang-isang week pa nga ko nagcecelebrate dahil nung araw nung interview ko ang sabi sa kin hahanapan ako ng pwesto! Oo! Hindi ako nireject, sinabihan ako na bibigyan ako ng pwesto! Pero ano? Lumabas ako dun sa building ng walang reaksyon at hindi ko alam kung anong mararamdaman ko!

Bakit ba hindi ko tanggapin ang mga blessings na toh?

Hindi sa ayaw ko. Nahihirapan yung utak ko. Nandun yung constant na pakiramdam na hindi ako deserving o parang hindi mangyayari yung gusto kong mangyari pag naging sobrang masaya ako.

Kaya yung tungkol sa BELIEVE na post ko, it means so much to me. Hindi ganun kadali para sa kin na maniwala na mangyayari ang lahat para sa katulad ko.

Kaya I just want to own it right now!! Kahit na hindi pa ako nagsisimula sa mga requirements ko, kahit na hindi pa ako nagsisimula sa work na yun, kahit na alam kong walang kasiguraduhan ang lahat, I just want to own it! Gusto ko maging masaya, gusto ko ma-excite, at gusto kong isipin na para talaga sa kin yung pwesto na yun, at kakayanin ko at magiging masaya ako sa trabaho na yun!! Actually, temporarily hired lang ako, dahil nga wala naman ako significant ne experience, pero so what? Sobrang blessed pa din ako dahil kinonsider nila ang resume ko! At binigyan nila ako ng opportunity na ipakita kung anong kaya ko!

Gusto kong isipin na magiging okay ang lahat against dun sa side ng utak ko na nag-iisip na may possibility na madadapa ako. Gustong kong ipilit sabihin sa sarili ko na ano naman kung madapa ako? Ano naman kung mag-fail ako ng paulit-ulit? Sana nasasabi ko ngayon na walang pake! Ayuko na maging mahina. Ayuko na maging matatakutin sa pagkakamali. Gusto kong pilitin isipin na ang pinaka-importante ay yung ngayon, yung blessings na dumadating sa kin ngayon, and nothing more!

Nagiging masaya na din ako dahil unti-unti ko ng nasasabi ang lahat ng toh dito sa blog ko (which is on the first place ang dahilan kung bakit ko ginawa ang blog na toh) at hindi ako dun nagtatago sa secret blog ko. Masaya ako. Salamat sa pagiging bahagi nito.

original post from 8/17/2013
 photo collage.jpg

Wednesday, August 21, 2013

Best 11 minutes of my life + Jerom Jarre!!




Ito ang isa sa mga video na gusto ko panuorin ng paulit-ulit!! Sobrang tawa ko dito kinailangan na panuorin ko siya ulit kasama si Mayk. (Hindi physically, pero sabay namin pinindot yung play habang magkausap kame sa Skype). At ang sarap lang din pakinggan ang boses niya habang tawang-tawa dun sa mga aso at mga kalokohan sa video na toh.

VINE app. Kahapon ko lang nalaman kung ano yan. Social media din siya at pwede ka mag-upload ng 7 minutes personal video clip mo, at syempre makikita toh ng mga followers mo. Basically parang facebook and instagram din pero puro 7 minutes video clip nga. At madaming aliw na aliw sa pag-cocompile ng mga epic na video na ito. Isa nang example ang video sa itaas.

At ang isa sa naging paborito ko talagang vine uploader ay itong nasa baba, si Jerome Jarre. Galing siyang France na ngayon nakatira na sa New York. Jerome is really inspiring! He encourage people to challenge their fear because he believe that doing so will make you grow. He thinks that our comfort zone limits us too much on what we can do with our life! Isn't it nice? I wish I'm as crazy as he is! Please!





 photo collage.jpg

Monday, August 19, 2013

Let's sum it up.




I know making yourself a video like this can be a little to much when it comes to vanity. Hahahaha. Nagbubuhat ng sariling bangko, it may seem. Pero inaamin ko na this video makes me feel proud of myself. Kunyari na lang may narating na ako sa buhay.


 photo collage.jpg

Friday, August 16, 2013

It will be worth it.

"I've always been interested when it comes to paper works, as a matter of fact, when I was still a student, I think I was the only individual who enjoys making essays, reports and even thesis."

Ayan ang sinabi ko sa isang interview ko. It may sound obscur. Nagulat yung nag-iinterview sa kin. "Most people don't like paper works." Ang dating tuloy parang mukhang sinabi ko lang yan para makapasok dun sa posisyon na inapplayan ko. Pero ang totoo niyan, nagpapakatotoo lang ako. Ayuko naman magsabi ng bagay na wala ako. Sobrang sincere ako nung sinabi ko yan.

Nag-start yung volunteer job ko last week. Ang saya ko. Sa wakas may pagkakaabalahan na akong productive. Simpleh lang ang trabaho ko dun. Mainly mag-organize ng mga bundok bundok na files na nabulok na sa stock room, i-record sa computer lahat ng data, batiin ang mga pumapasok-labas sa facility, at sumagot ng phone.

Wala akong problema sa mga papel, totoo lang, nag-eenjoy ako sa binigay na trabaho sa kin dahil sobrang confident ako na kayang-kaya kong gawin yun ng maayos o higit pa. At salamat na lang talaga nakapag-call center ako. Habang kinukwento ko nga toh kay Mayk, bigla ko na-realize, may reason talaga si Lord sa lahat ng bagay. Pinag-call center niya ako sa Pinas kase alam niya na ma-eexperience ko toh. Dahil dito, mas nakilala ko ang kultura nila at may significant na akong idea kung paano makipag-interact sa kanila na hindi ko alam noon, nung unang beses akong tumapak dito nung 2010. At thankful din ako sa volunteer job na toh dahil mas na-build-up din yung confidence ko na makipag-usap sa iba.

Naging inspirasyon din sa akin ang mga kasama ko dun. Ang program ng government facility na yun ay para sa mga client na nagka-problema sa buhay at kailangan ng tulong para makaahon, makapag-work, at masustentuhan ang kanilang pamilya at mga anak. At ang mga kasama ko naman dun ay mga nag-ka-counsel sa mga individual na toh. Kina-counsel nila ang mga client na naging depressive, alcoholic, drug-addict at nakaranas ng iba pang personal at emotional conflict sa sarili nila na nag-lead para mawalan sila ng trabaho o naging paraan para hadlangan sila na mamuhay ng masaya.

At kung ikaw yung tao na tutulong sa mga individual na toh, eh siguro napaka-fulfilling ng trabaho mo sa mundo. At syempre dahil ganun nga ang trabaho ng mga kasama ko sa work, ang sarap nila makasama sa office. They will make you feel better, at comfortable at special. Masaya ako dahil lagi din nila ina-acknowledge ang maliit kong existence sa facility. It means so much to me. Sobrang saludo ako sa mga kasama ko sa work, to the point na naisip ko, "sana may ganun din akong fulfilling na duty dito sa universe."

Sa ngayon, masaya talaga ako. Napansin ko nga kagabi na nakangiti ako for no reason (or siguro na-i-stuck lang ung jaw ko sa ganung position dahil kailangan ko ngumiti sa mga pumapasok sa facility namin).

Unti-unti nang ibinibigay ni Lord sa akin yung mga hiningi ko sa kanya. Sabi niya sa akin, "more pasensya pa Kamila!" At parang wala na akong ibang choice ngayon kundi mag-move-forward. Mas nagiging meaningful na sa kin yung feeling na hindi ko alam kung anong mangyayari sa kin bukas o sa makalawa, dahil nandun na yung mind-set na it will be something difficult and challenging, but for sure it is will be something worth it! It will be something that will help me grow, and it will be something that will help my succeed. I feel so blessed at this very moment.


Nga pala, muntik ko na makalimutan, pwede pa rin kayo mag-bahagi sa aking "100 Ways to Be Happy." Just click here kung paano mag-contribute!

Kung wala kayo maisip ngayon, okay lang, pwedeng-pwede kayo bumalik sa pahina na ito anytime at i-click lang yung badge sa gilid na may cute na araw slash sunflower (hahaha). Kung sakaling habang kumakaen kayo, or nasa bus, or nasa work, o kung ano man yung ginagawa niyo na biglang nag-cause para makaramdam kayo nung tingling sensation na yun na tinatawag nating KALIGAYAHAN, eh balik lang kayo dito para ma-share natin sa mundo!!

Ayun lang. At wala na ko masabi.


 photo collage.jpg

Tuesday, August 13, 2013

Manik moments. 8/11/2013.

08/11/2013

Hindi ako makatulog. Nag-ha-hyper-active ang utak ko tungkol sa madaming bagay. Nagha-hyperactive ang isipan ko tungkol sa mga nangyayari ngayon at sa mga bagay na gusto ko mangyari sa future.

Nakakabaliw.

Nakakabaliw at nakakatakot minsan malaman na wala kang control sa future mo.

I used to feel good lying on my bed alone. Pero ibang iba na ngayon.

Dati pag-higa ko sa kama ko, in an instant kayang-kaya kong lunurin ang sarili ko sa magagandang panaginip ng kinabukasan. Pero ngayon, parang pira-piraso yung future ko. Parang itinago yung mga pira-pirasong yun at parang ginawang mga hidden treasure na kailangan ko hanapin. Kaso ang twist hindi nabigay sa akin yung mapa. Ang daming idea na hindi ko mapag-duktong-duktong. Hindi gumagana yung mga synapses ng utak ko.

Dati pagkayakap ko sa unan ko, na-iimagine ko agad na nakayakap din pabalik sa kin si Mayk. Pero after being with him everyday of my life for two consecutive years tapos sabay layo ng ganito kalayo, hindi ko na mahalintulad yung mga yakap niya sa unan ko. Hindi na. At nakakalungkot.

Ang gusto ko lang naman sana bukas pag-gising ko eh matapos ko na lahat ng kailangan kong tapusing duty dun sa volunteer job ko. Oo. Nag-vovolunteer ako ngayon. Sa isang Mental Health Service. At masaya ako sa trabaho na meron ako dun. Simple lang. Madali lang. Kayang-kaya ko. Confident ako sa ginagawa ko. Ang sarap sa pakiramdam na kayang kaya mong gawin yung task na binibigay sayo. Sana ganun lagi sa buhay, pero hindi pwedeng masanay. Kase hindi laging magiging ganun. Hindi laging magiging madali ang buhay.

At bukod dun, gusto ko lang naman sana na tawagan na ako nung trabaho na inapplyan ko. Gusto ko na talaga magkatrabaho. At hinihintay ko lang. Lagi kong iniisip na ibibigay ni Lord sa akin ang trabaho na yun at the right moment. Pero wala nga yata talaga ako pasensya. Pero wala naman ako magagawa kundi maghintay. Kahit mag-manik ako ng mag-manik dito sa kinauupuan ko, wala ako magagawa kundi mag-pasensya. Mag-hintay. Ang hindi ko lang alam eh kung kailangan ko ba talaga umasa. Mababa ang self-esteem ko. Minsan pakiramdam ko hindi para sa akin ang bagay na sinasabi na para sa kin. Sabi tatawagan daw ako dahil hindi sila makapag-decide kung saan ako ilalagay na pwesto. Sana hindi lang talaga sila makapag-decide tungkol sa pwesto. Kase tumutubo na sa utak ko yung ugat at nagiging prutas na yung idea na baka hindi ko deserve yung pwesto.

Pero maghihintay pa rin ako.

Tulad ng paghihintay ko sa future namin ni Mayk.

Alam mo ba sinubukan ko magpapayat nitong nakaraan habang in search ako for a job. Habang wala akong ibang mapagkaabalahan. Alam mo ba bumaba yung timbang ko. Nagttreadmill ako araw-araw kase hindi naman ako makalabas sa bahay para mag-jogging kase natatakot ako ma-abduct (seryoso).

Kaso nag-away kame ng nanay ko, at marami ng nangyari pagkatapos nun, at sa kwarto ko na siya natutulog (at sa sala na ko natutulog), at nandun yung treadmill sa loob nung kwarto at hindi na ako makatakbo sa treadmill kase ayuko siya ma-istorbo sa pagtulog niya dahil sa gabi siya nagttrabaho at kailangan niya ng katahimikan sa umaga. At wala na naman ako magawa sa maghapon ko, at ang lakas ko na naman kumaen. I bet tumaas na ulit ang timbang ko. Lalo tuloy akong nadedepress.

At kaya gusto ko na matanggap sa trabaho. Ang gusto ko lang naman talaga ay magka-work na. At pakiramdam ko dun pa lang magsisimula yung buhay ko. Gusto ko na tumira sa sarili kong apartment, at magbayad ng sarili kong apartment, at sarili kong kuryente, at bumili ng sarili kong grocery, at mag-ehersisyo ng madami para pumayat, at mag drive ng sarili kong kotse, at mag-ipon ng pera ko, at mag-invest sa something, at i-enjoy ang buhay ko.

Pakiramdam ko ang tanda ko na at pakiramdam ko wala pa rin nangyayari sa buhay ko.

Hindi ako makatulog kase isip ako ng isip ng isip. Nag-mamanik.

Nakakabaliw. Baliw na nga yata ako.

Pero kahit nakakabaliw malaman na wala akong kontrol sa lahat ng mangyayari sa future ko, wag ka mag-alala, alam ko namang okay lang yun. Alam kong ganun naman talaga ang buhay. May mga alam ako na hindi ko alam na alam ko. Alam mo yun?

Hindi mo lang alam, pero na-ikwento ko na sayo ngayon ang mga bagay na hindi ko kayang ikwento noon. Seryoso. Kaya salamat sa pagbabasa.

 photo collage.jpg

Sunday, August 11, 2013

Paano maging masaya?

Masaya ako today! What better more to do when you're happy but to share it, right? Isa pa, I owe it to you guys dahil alam kong lagi na lang mainit-ulo na mga kwento ang shinashare ko!

Anyway!! Paano ba kase maging masaya kapag nasa gitna ka ng kalungkutan? Or kapag nandun ka sa point na feeling hopeless ka na? Or kapag nasa situation ka na kailangan masaya ka pero parang hindi?

Ito ang aking listahan:

(1.) Pray. Para ka na ring nakikipag-usap sa matalik mong kaibigan kapag ginagawa mo toh. Tsaka para ka na ring nag-memeditate. Biglang ma-oorganize ang lahat ng gulo sa utak mo ng walang ka-effort effort.

(2.) There's gotta be more. Pag feeling mo ubos na ang lahat ng pagkakataon para sayo, isipin mo na imposibleh yun. Marami pang nakalaan na espesyal para sayo. Kaya tigilan na yung pag-iisip na para kang mauubusan. Kung may mga patay gutom sa paligid mo, ibigay mo sa kanila ang nais, dahil marami pa para sayo! Walang limit ang mga possibility sa buhay mo!

(3.) Itago mo ang camera mo at huminga ka ng malalim. Either kung kakain ka sa isang bagong resto o di kaya eh nakaakyat ka sa tuktok ng Mt. Samat, eh mamaya ka na mag-picture! Inhale, exhale at lasapin muna ang bawat moment.

(4.) Ilabas mo ang kalungkutan. Ito ang madalas kong ginagawa. It is either dinadaldal ko lahat sa isang mapagkakatiwalaang nilalang, o di kaya eh sinusulat ko sa blog ko. Actually to tell you the truth, yung post ko kahapon, first time ko yun na nagsulat tungkol sa specific na tao na kinaiinisan ko. Sa mga nakaraan, lahat ng dalamhati ko sa buhay ay sinusulat ko dun sa secret blog ko na ginawa kong online diary. Ang bigat kase minsan sa kamay i-share sa ibang tao lahat ng nararamdaman mo. Pero mas mabigat pala kapag tinatago mo sa sarili mo, kaya yung post ko kahapon, sobrang sinet-free ako nun.


Ngayon, apat pa lang yan, pero naisip ko na gusto kong gawing 100 ang listahan na yan! Kaya naisipan ko na mag-laan ng isang page para dito na pinamagatan kong "100 Ways to be Happy".

Ang goal ko sana ay punuin ito ngayong 2013, at hindi ko alam kung magagawa ko yun. Pero sana tulungan niyo ko!

Kung interesado kayo na mag-bahagi, basahin ang post na ito --> How to Contribute to Kamilkshake's 100 Ways to be Happy!

Wala pong sapilitan sa pagbabahagi!! Ayun lang!!! (:



 photo collage.jpg

Saturday, August 10, 2013

Bastos.

Ngayon, kasama ko ang Nanay ko. At totoo lang malungkot ako pagkasama ko siya. Madaming pagkakataon nung nasa Pilipinas ako na excited na excited ako makasama ang Nanay ko, pero ngayon hindi na ako ganun ka-thrilled dahil nalaman ko na total opposite kame sa halos lahat ng bagay. Lahat!

May mga tao na mag-dodown sayo, at magsasabi sayo na hindi mo kaya, na mahina ka, na puro pasakit ka. Pero would you expect na mismong Nanay mo magsasabi sayo nun?

She wants life as she expected it to be, (at alam natin na hindi laging ganun) at kapag hindi nangyari yung gusto niya, nanggagalaiti at namumula ang buong ulo niya. I wanted to be something else, pero never siya naging supportive, at mababa ang self-esteem ko kaya nagsunud-sunuran na lang ako sa gusto niya.

Kaso, nakakapagod eh. Pagod na ko sumunod ng sumunod. Pagod na ko sa sapilitan niyang pagkokontrol sa buhay ko. Siguro, I get it, she's concern with my future, pero hindi naman ako magiging masaya sa gusto niyang mangyari, dahil hindi naman yun ang pangarap ko.

Nung una, hindi ako nananahimik. Nakikipaglaban talaga ako ng debate sa kanya. Matigas ulo ko eh! Hanggang sa di ko na pwedeng sabihin yung opinyon ko irregardless regardless kung tama 'toh o hindi, dahil kung mapapatunayan ko man na tama ako, mapaparatangan naman akong BASTOS, which is mali pa rin.

Nakakapagod. Paikot-ikot kame sa walang katuturan na topic dahil hindi siya yung tipo na open minded at handang makinig sa kung anong sasabihin mo.

She feels so unguarded din dahil sa aming tatlong magkakapatid, ako lang ang malakas ang loob na sabihin sa kanya na, "Ma, MALI KA!" Yun na nga, ako lang ang bastos.

She told me to stay out of her business, and I did.

Pero I admit, totoo naman, napansin ko nga na naging bastos na nga ako sa kanya.

At ayuko naman maging bastos. Pero ayuko din maging peke. Kaya I came to the conclusion na ang pinaka-solusyon ko sa relasyon namin ng Nanay ko ay ang TUMAHIMIK.

Alam ko marami sa inyo sasabihin, solusyunan ko toh at kausapin ko ang Nanay ko ng maayos, bla bla bla. Pero hindi kailan man mangyayari na mag-uusap kame ng maayos ng Nanay ko, dahil nabanggit ko na ba? Total opposite kame! Kahit mag-usap kame, mag-aaway at mag-aaway kame at may isang mag-wawalk-out! It's either pagod na sa kakasigaw or hindi matanggap yung katotohanan.

Sa ginagawa kong pag-tahimik, walang gulo, walang hindi pagkakaintindihan, at nagkakaroon ng isa o dalawang araw na walang nag-aaway. Peace and harmony! Ang sarap.

Kaya ako tatahimik (sa inyo na lang ako magkkwento, kung handa kayo makinig) dahil naisip ko matanda na rin ang Nanay ko. Hindi ko na siguro aasahan na magbabago pa siya ng ugali, at kailangan ko na lang tanggapin yun. Hindi ko na maaasahan na maiintindihan pa niya kung anong nararamdaman ko.

Pero please, please, don't get me wrong, mahal na mahal ko ang Nanay ko. Never ko naisip na sana may iba akong Nanay, at alam kong binigay siya sa akin for a reason. Pero hindi kame bagay na tumira sa isang bahay at mamuhay ng magkasama (tulad ng nangyayari ngayon).

Hindi ko na kaya. Kailangan ko na magpakalayo-layo.


 photo collage.jpg

Pagdating sa pamilya



Pagdating sa pamilya, hirap na hirap ako mag-express. Nakalubog kame sa hiwa-hiwalay na kumunoy. Hindi kame yung tipo na nagyayakapan, naglalambingan, nagsasabihan ng "i love u" personally, at nagkakaintindihan. At yung nakalubog kong katawan na gusto kumawala, naging ma-emotional na as I grow throughout the years.

Ako pa naman yung taong kailangan malabas lahat ng nasa loob, good or bad. I guess yun na din ang dahilan bakit ako nahilig magsulat in the first place. Kailangan ko ng outlet, kundi mababaliw ako. At yung masasaya or malulungkot na feelings at mga experience, hindi ko yun freely na-shashare sa pamilya ko. Kapag super may di pagkakaintindihan, one way or another may mag sisigawan at may isang mag-wawalk-out, at walang problema ang nasosolusyunan.

Nandun yung longing ko for a happy family. Ang susunod kong sasabihin ang isa sa mga proof na God will always definitely give you the people that you need in your life. At binigay nga niya sa akin si Mayk. Yung role niya ang nagpuno sa kin ng pagmamahal na hinahanap ko sa isang pamilya.

Pero ngayon, hindi ko kasama si Mayk, malayo siya sa kin. Nasa kumunoy na naman ako. Sa ngayon, kailangan ko na muna harapin ang buhay ko ng wala si Mayk. Mag-tatapang-tapangan muna ako.




 photo collage.jpg

Tuesday, August 6, 2013

Pare ko.

May one time, nasa isang bahay ako. May mga hawak na gitara yung mga kasama ko. Hindi ito nagkataon. Magagaling silang mga musikero. Ako? Awkward ako. May alam. May konting alam. Pero, yung mga taong yun, parang lingwahe na nila ang musika. Alam nila ang pasikot-sikot dito. Ako? Awkward. May alam. Pero parang wala.

Habang tumutugtog sila, parang gusto ko din kalabitin ang gitara. Alam mo yung pakiramdam na yun? Para akong bangaw na naaakit sa lampara.

Out of nowhere, nasabi ko, "pahiram.." Pinasa sa akin ang gitara. Sinubukan tugtugin ang isang pamilyar na kanta.

Sa mukha nilang lahat bakas ang tanong na "Anong tinutugtog mo?" Kahit di magsalita, yun ang umaalingawngaw sa hangin. Tahimik sila. Binitawan ko na lang ang gitara. Awkward ako.

Sabi ko nga eh. Sa inyo na ang gitara.






 photo collage.jpg

Saturday, August 3, 2013

Tao lang.


I still have my respect for Chito. The moment na sinabi sa kin ng boyfriend ko ang tungkol sa issue, aaminin ko nagulat ako, sino bang hindi? Pero parang wala lang, move on agad, at may iba na kameng pinag-usapan.

Of course naiintindihan ko naman na hindi natin mapipigilan na may mga mag-violent reaction. Ang Pinoy may pagka-conservative pa rin naman di ba? At alam niyo naman kung paano mag-react ang tao when it comes to issue like this, lalo na pag-tungkol sa sikat na mga personality. Iba-iba pa rin ang opinion ng bawat tao. Depende na lang kung magiging open-minded or hindi.

Para sa akin naman, for sure hindi rin naman ginusto ni Chito at ng girlfriend niya ang nangyari (I'm talking about pagkalat ng video). Hindi ko naman nakikinita na may balak sila na pumasok sa ganoong industriya at sinadyang ilabas ang video na yun para kainisan ng lahat ng haters. Nanakawan sila sa bahay nila, nakuha yung hard drive. May gustong kumita gamit yung video, and boom!

Para sa akin, kailangan nating tanggapin na may iba't ibang paraan talaga ang tao para maging intimate sa isa't isa. May iba nga na mas malala pa nga sa pag-vivideo eh. May mga nabasa pa ko na nagsabi na hindi ni-respeto ni Chito ang girlfriend niya. Bakit? Paano nila mapapatunayan yun? Whatever they did on that video (which hindi ko papanuorin), can't basically judge whoever they are.

Tao lang si Chito. Tao lang ang girlfriend niya. At madaming tao ang mas malala pa sa kanila. They did something intimate and private and it just so happened that it leaked, and it was unfortunate. And I'm sure somewhere somehow, someone is doing something more overly inhumane than that video.

Hindi ako ang number one fan nila, at hindi rin ako die-hard fan. Kapag pumupunta ako sa concert nila hindi ako nakiki-slaman. Kase busy akong nakatayo dun, nakatitig sa lahat ng nangyayari sa stage, sinisimot ang lahat ng kaligayahan na pwedeng simutin mula sa concert ng Parokya. At hindi ganitong ka-walang kwentang issue ang bubuwag sa paghanga na yun. Hindi pa rin mawawala ang respeto ko kay Chito at sa Parokya. Tao lang.

**********

Friday, August 2, 2013

Bulong sa Tenga.



Sa puso mo sobrang sakit na ng nararamdaman mo. 
Kahit na mahal mo siya, ibang pagkamuhi ang bumabara sayo.

May galit ka na hindi masambit. 
Ang luha mo ay puro hinanakit.
Pero ngayon, tama yan, piliin mo ng manahimik. 
Pilitin mong itikom ang mga bibig. 
Kahit buong buhay mo sanay kang isuka ang mga naiisip.
Ngayon, ang kabaligtaran ang ipilit

Damhin mo ang masasayang ala-ala.
Ito ang isipin pansamantala.

Malapit ka ng lumayo.
Doon sa malayong pook.
Malapit na.
Konting pasensya pa.

Alam mo ang tama.
At alam mong tama ka.
Wala ka na dapat patunayan.
Manahimik ka na lang.

Alam mo sa puso mo ang totoo.
Hindi nagsisinungaling ang utak mo.
Wala kang pipiliin kaylanman.
Hindi mo kailangan mamili kung sino man.
Dahil mahal mo siya. At siya.

At yun lang naman yun eh.
Ang importante mahal mo siya.
At ginagawa mo pa rin ang lahat ng ito para sa kanila.

At anak, kaya mo 'toh nararanasan hindi dahil hindi kita mahal.
Kundi dahil kulang pa.
Kailangan mo pa lumakas.
Kailangan mo pa lumaki.
Magpakatatag ka.


**********