Nung time na umalis na sila Dadi at si Mama papuntang states, nung una okay pa ko, naiisip ko, yes may magulang akong OFW!
Before sila umalis, buo kame. As in magsisimba pa kameng magkakasama. Alam ko sila kuya mukhang napipilitan lang, pero sumasama pa din naman. Nung nasa states na sila pareho, nag-drift na kame palayo sa isa't isa. Hindi naman agad-agaran, pero unti unti.
Dun na ko nagsimulang malungkot para sa pamilya ko. Dun ko naisip na, oo, alam kong umalis sila at nagsasakripisyo sila para sa min, pero anong gamit ng pera kung watak-watak naman kame?
Dun na ko nagsimulang mainggit sa mga kaibigan ko na buo ang pamilya. Naging inggitera ako, hindi sa mga materyal na bagay, kundi inggit ako kase gusto ko din ng pamilya na buo. Salo-salo.
At minsan ang nakakatawa na nakakalungkot at the same time eh habang kasama natin ang pamilya natin, hindi naman talaga nating nakikita yung blessing na dinudulot nun. May mga pagkakataon na hindi natin masyadong napapahalagahan yung mga taong yun na nakapaligid sa tin. Pero kapag wala na sila, emote emote naman tayo. Arte-arte naman.
Impossible man, pinagdasal ko pa rin kay Lord na sana mabuo na ang pamilya ko ulit.
Pero si Lord, He will always give you His answer sa napaka-kakaibang way. Sa very unexpected way.
Sabi nga kase, "For my thoughts are not your thoughts, neither are your ways my ways," Isaiah 55:8.
Hanggang ngayon, hindi pa rin naman buo ang family ko, pero nasagot na ni Lord ang prayers ko na yan.
Sinagot Niya ang dasal ko nung tumira ako kila Mayk. Tinuring akong anak at kapatid ng pamilya niya. Mangiyak-ngiyak pa ko nung na-realize ko na nasagot na pala yung dasal ko.
Simple lang ang buhay, pero salo-salo. Ang sarap. Kinatutuwa ko pa nga kay Mayk, sasabihin sa kin nun, bumaba naman daw kame para makipagdaldalan kila Mama niya o sa mga kapatid niya. Nakakatuwa kase di naman kadamihan ang pera, pero lagi naman magkakasama. Minsan magkakatampuhan, pero ganun pa rin, pamilya pa din.
Sa sobrang saya ko, malulungkot ako, kase maiisip ko ang mga kuya ko na malayo naman sa kin. Pare-pareho naman kame nasa Pinas, pero di ko naman sila kasama. Kaya nun, basta may time, inaaya ko sila na lumabas naman kame paminsan-minsan.
Dito sa states, hiwalay pa rin ako sa magulang ko. Need ko kase mag-stay sa LA kase nandito ang trabaho. Pero hanggang dito, sinalo pa rin ako ni Lord.
Currently nakatira ako sa bahay ng mag-asawa kong kaibigan, si Joshua at Jak, at kasama ko din yung mga magulang nila ngayon sa tinitirhan ko. Nagpapasalamat ako kay Lord kase ito na naman, I landed to a home na pamilya na naman ang turing sa kin.
At kahit nga hiwalay ako sa totoong pamilya ko, ang naiisip ko na lang, I will never be the person that I am right now kung di din dahil sa naging sitwasyon ng pamilya ko.
At kahit na magkakalayo kame, sinusubukan ko na lang i-enjoy ang mga oras na magkakasama kame, and I try my best na lang na palalimin pa yung relationship ko sa mga magulang at kapatid ko in spite of the distance.
Actually, hindi pa rin naman ako tumitigil umasa na i-ggrant ni Lord ang prayers ko na maging buo ulit kame as a family. Alam ko ang impossible, pero what's impossible with the Lord?
-K.T. 2015