Pages

Friday, September 10, 2010

TL Reunion Part 1: Isaw

Kahapon napag desisyunan naming mag-inom dahil wala ngang pasok ngayon. At minsan lang magawi dito ang isang TL boylet namin mula nang lumipat siya sa Baguio. Gaya ng dati, garahe parin nina EllaB ang lugar. Ang tagal ko nang hindi sumasama sa kanila pag may mga inuman lalo na't kina EllaB ang ganap. Pinaka huli yata nung nag-break kami ni NJ. April pa last year yun.

Dinaanan ko si Asia sa school at dumiretso kami sa dorm niya para makapagbihis siya bago lumarga. Malapit na kami sa dorm niya ng may madaanan kaming nagtitinda ng isaw at iba pang ihaw-ihaw.

"Yj, isaw oh! Naaalala mo pa?" pang-aasar niya sakin.

"Huwag mo ng ipaalala!" giit ko. Pero huli na ang lahat. Lahat ng alaala ko na may kinalaman sa isaw, biglang bumaha sa utak ko.

Hindi naman talaga ako kumakain ng isaw. Pakiramdam ko kasi dati ang dumi-dumi. Pero si NJ, walang takot. Lamon kung lamon yun ng isaw. At dahil sa kanya, natuto akong kumain ng isaw. The stupid things you do for love, no?

Yung gabing natuto akong kumain ng isaw. UP Fair 2009



The second time was in Tagaytay



The third time, sa isang tabi ng kalsada sa bayan ng Alaminos. Holy Week 2009



Hindi pa nakuntento, hanggang sa Bolinao, kumain ng isaw.


At nang gabing maghiwalay kami, may isaw parin. Pesteng isaw yan!

Ilang buwan pagkatapos naming maghiwalay, sinubukan ko ulit kumain ng isaw. Pero ang sama na ng lasa. Ewan ko kung panlasa ko ang masama o yung nararamdaman ko. Mapait na kasi!

"Ang pag-ibig nga naman.... MADUMI!" bulong sa akin ni Asia sabay hagalpak ng tawa.

Yaiy...

7 comments:

glentot said...

Para kayong cast ng The Ring, kung makapagbura ka naman ng mga mukha...

soltero said...

hahaha..sobrang okay ung, "ANg Pag-ibig nga naman madumi" bwahahha...

hmm di pa ko nakaka kain ng isaw sa streets, pero bka nga dahil sa pag-ibig, ma try ko rin yan LOL

LoF said...

:/

Miss Innocent said...

omg :( namiss ko na isaww
wala nun dito

citybuoy said...

don't eat isaw na friend. that's not nice. and don't think abt him too. same reason.

Kane said...

Yj,

Ang ganda ng isinulat mo. Grabe, kung paano natin naaalala ang mga tao, no?

Nakakatuwa ang pag gamit mo ng isaw bilang isang metaphor para sa inyong nakaraan.

Ang ganda ng mga litrato ninyo, parang ang saya niyo dati.

Kane

Yj said...

@ Glentot.... kumpara sa pagbura mo dati ng mukha mo.... para kang sa exorcist hahahahaha

@ Soltero... hindi lang pagkain ng isaw ang magagawa mo pag nagmahal ka na hahahahaha

@ LOF... i'm smiling now... :)

@ Miss Innocent... uwi ka dito haahaha

@ Nyl.... i can promise not to eat isaw na, but not think of him? ewan ko.. ang hirap eh... waaaaaa

@ Kane... thanks Kane... hindi nga pinag isipan yang post na yan gaya ng lahat ng post ko hihihihi..... natawa lang talaga ako sa linya ni Asia.... kaya yun, naalala ko bigla.... yeah, we used to be very happy... kaya lang.... :)