Monday, July 14, 2008

No doc, I Can't Say AHHHHHHH.

I have a mouthsore. I have a monstrous mouthsore! I swear ang laki talaga! At sobrang sakit!

At dahil dun, I'm on a forced diet dahil effort ngumanga! Effort din ngumuya. At sobrang sakit pag nalalagyan ng rice yung singaw!

Bumili na ko ng Betadine gargle. Nagmumumog na din ako ng warm water na may asin. Lagi din ako sa clinic para magpapahid nung gamot na sobrang hapdi. Pero hindi naman lumiliit yung sore!

Ang arte ko din magshalita kashe di ke nge mashedong mabuke yung mouth ke.

Sabi nung nurse, kulang daw ako sa Vitamin C, so magtake daw ako ng 1000mg para mas mabilis gumaling. Tinanong ko kung gano katagal usually tumatagal yung mga ganitong singaw. 1-2 weeks daw!

Pakshet! So ibig sabihin, 1.5 weeks pa akong hindi makakakain ng mabuti. 1.5 weeks pa kong nde makakapagsalita ng maayos. At higit sa pakshet na lahat, 1.5 weeks din na nde ko pwede ichuva si Jimboi! Parusa ito, parusa!!!! I hate it!

8 comments:

. said...

Try mo yung Pyralvex. Pramis, iiyak ka nga lang sa sobrang hapdi nung solution, pero in less than five days mawawala ang singaw mo.

Get well soon.

... said...

Tawas madam, tawas.
Get well quick! Hihi

JM said...

pigaan mo ng calamansi at pahiran mo ng suka at alcohol. d ko lng sure ang epekto pero baka gumana. hehe

bawal ang busy!

MakMak said...

Hindi ba yung sinuggest ni JM eh para nde ka makatulog kapag umawit ang Ibong Adarna? Lol. Peace! :P


Pero Betadine works. Saka Listerine din. I used to have the same problem before re: Vitamin C, good thing na ngayon wala na.

PrincheCHA Fiona said...

@joms Cge try ko bumili nun later. Pero katakot naman na maiiyak sa hapdi... :S

@mel Mare, pwede bang deo na lang? Wla ako tawas eh! ahihihihi

@jm Leche! Ayoko nga itry yung suggestment mo! Hmpt! hahaha at nde ako busy noh! hehehe

@makmak oo nga, dinaig ko pa si Principe Chuva sa ibong adarna pag nagkataon. Malapit na nga maubos yung Betadine ko eh, pero wla pa masyadong effect. Di ko nga alam kung bat ako nagkulang ng Vit C eh kumakain nmn ako fruits tsaka lagi naman ako umiinom ng pineapple juice.

*to all salamat sa mga advice! :)

jericho said...

dyeta din si JImboi? hehe. buti na lang hindi apektado ang pagcha-chat mo. ;)

Bebs Gohetia said...

ang mouthsore raw ay epekto ng hindi pagligo.

haha.

PrincheCHA Fiona said...

@jericho medyo nga dyeta muna sya, pero naniniwala ako na pag gusto, maraming paraan! hahahahaha

@bebs naman! nde totoo yan! once a week kya kung maligo ako, pero nagkamouthsore pa din ako! che! hihihi

pahabol @joms Pyralvex pla yung gamit dun sa clinic namin! Tinanong ko kanina. makabili nga ako mamya. hihihi