Showing posts with label RatedR. Show all posts
Showing posts with label RatedR. Show all posts

Saturday, September 27, 2008

Circles and Squares

Let's go back around this time, year 2003...

Twenty na aketch nun, pero virginia wolfe pa din ang drama. Though I was not really seeking for the experience. Pagurl kasi si bakla! Di naniniwala sa casual encounters. Gusto may feelings involved. Choosy, ayaw ng basta-bastang churchur.

Super closey-closey na kami ni Jimboi nung mga panahong to pero di pa kmi. Since mageend na ang sem nun, madalas kami magsleep-over gawa ng mga papers na tinatapos namin.

So sa isang overnight chuchu para sa isang project, magkatabi kami sa pagtulog.

Nacurious ang Princhecha. Nakabasa kasi ako ng isang article sa Cosmo. So inisip ko na itry kung totoo ba.

Sabi kasi sa article, nakakaturn on daw sa isang guy pag magtetrace ng kung ano-anong shapes sa chest at abs.

So ayun na nga, habang natutulog si Jimboi ay sinubukan kong magpractice magsketch. Doodle-doodle si bakla. Ginawang drawingan ang dibdib at tyan ng pobreng natutulog.

Small circle, small circle, big circle. Aba, aba, aba, napansin kong lumalalim ang hininga ng human sketchpad. So sige pa sa drawing, malapit-lapit na ding matapos ang obra maestra. Squares, squares, lots of squares.

Naglalagay na lng ako ng mga finishing touches - a few dots here a few dots there ng biglang - OMG! - hinawakan ni Jimboi ang kamay ko. Nagulat ako, kala ko magagalit at pipigilan ako.

Pero mas nagulat ako! Kinuha nya ang kamay ko para pala ipadama na may ibang nagalit dahil sa drawing exercise ko.

Natigilan ako ng ilang saglit.

Binawi ko ang kamay ko and I stormed out of the room.

Hindi pa ko ready, malay ko bang effective pala ang turo ng magazine!

Hindi ko alam ang gagawin ko! Stupid I know, pero napaiyak na lang ako. Pagurl talaga ang bakla! Drama queen ang moda.

Naisip ko kasi na nakakahiya. Nag-isip ako na baka magkailangan na kmi ni Jimboi at baka masira ang aming friendship.

Lumabas din sya ng kwarto. Nagpasorry sya. Pero mas nagpasorry ako. Sabi nya matulog na lang daw kami at wala yun.

Kinabukasan, nag-usap kami at napagpasyahan naming kalimutan na lang ang nangyari...

End of story.

Bitin kung bitin gaya ng pagkabitin ng nabitin sa biting drawing exercise.




p.s.
Asa naman na makakalimutan lang ang ganung pangyayari noh! Syempre churva material din yun! ahihihihi
At syempre nde rin naglaon, nang maging kami, eh natapos at natapos din ang obra maestra. But that's another story... :p

p.p.s.
Lesson learned, maniwala sa Cosmo. Effective ang tips. Tried and tested.
But kids, don't try this at home. Or do.

Thursday, June 19, 2008

The Case of the Lost Sibuyas

Incoming: May prob b?

Outgoing: Wla nmn. Kaw may prob ba?

Incoming: Wla din. Para kasing u seem different.

Outgoing: Ah ok. Baka kulang lang sa sex.

Outgoing: Yung iba kc dyan kung saan saan chinachannel yung energy, wla 2loy natitirang drive sa partner nya.

Incoming: Alam ko nmng guilty ako dyan. but it doesn't mean i dont love u anymore. Sori.

Outgoing: Ah ok. so does it mean that u'd rather have it with ur online/offline chums?

Incoming: Offline? Hell no. Sori if my online activity is affecting us already.

Outgoing: It's ok. U do ur thing. Maybe i'd just have to find mine.


Two days of silence...


The sibuyas was found, two weeks after being lost, and the recipe is complete again.

Tuesday, April 22, 2008

Si Stardancer at si Tuod - bridal shower ni Madam part 2

No show si whitebird.

Sobrang imbey ko na, kaya call a (boy)friend ako kay princhepe, sabi ko time for plan b. Nasabi nya kasi kagabi na kung wala daw stripper, ok lang sa kanya na samahan ako maghanap sa circle. Pero wala ako lakas ng loob mag pick-up. Buti na lang game sila Calendar girls! Gusto daw nila makaexperience pumikup! So sabi ko good, basta kayo bahala magsalita and all.

So fly kami sa qc circle. Unang ikot, clear ang coast. Witchelles bakas ang mga papas! Go lang sa ikot, hanggang sa may makita kaming boylet na nakatayo. Nagmenor si princhepe, naexcite ako. Turned out na umiihe lang pala si manong sa bushes. ahihihihi Wow, mali! Then may nakita naman kaming isa pa, pero nang magmemenor kami, biglang sigaw si Ms. September: 'wag yan, wag yan, go, go go'! Chaka khan pla at pandakekots. Comedy itung pick up episode ah.

Nakarating na kami Q Ave, Kamias, nakakita na ng bouncer wala pa den kaming strippers. Tas nagdecide na na bumalik na lang circle. Sabi ko kay Jimboi, pag wala kami nakuha sya na lang. hahahaha. Willing naman ako magshare ng blessings sa friends eh. ahihihihi. Sabi naman nya sa akin, kahit pa maubos ang gas nya kakaikot, ok lang, makapikup lang kami. Ewan ko ba kung bakit nahihiya sya magstrip eh praktisado naman sya. ahihihihi At may ipapakita naman syang gilas! wihihihihi :p

Sa may Kalayaan, may i spot kami na lulurki. Stop in the name of love kami. Lumapit sya. Kinabahan ako, nakakakaba pala pumik-up. ahihihi Swear.

Si Ms. November nde masyado straight forward magtanong, say nya pagtapat sa amin ni boy1: 'How much? For bridal shower lang ha'? Name the price ang lulur. Sabi ni Jimboi: 'Brod, sandali lang ah, mauusap lang sila, balikan ka namin!' Sa akin keri na si boy1, khit nde gwapo mukha namang game. Tsaka sayang ang gas at oras! hehehehe

Ang desisyon ng grupo, hanap pa daw, baka mas may gwapo pang iba. So go na ulit sa circle. Hanggang sa makita namin si boy2. So hinto ulit. Lapit naman si boy2. Tanong ulit ng discrete na 'how much?'. Aba mas mura! Go, keri na daw to! Pero parang mas bet ko si boy1, umaandar ang oras kaya bet or no bet, deal na to!

Habang pabalik sa hotel, nabanggit ni Ms. September na since pasok pa naman sa budget kahit pa balikan namin si boy1, why not kuhanin namin pareho? Oo nga naman, may point ka dyan! Oh eh di go, the more the manyer. So binalikan nga namin si boy1.

Tinext ko na ang mga bakla: 'Girls, get ready. Piringan na ang bride at pabalik na kami.'

Nang malapit na sa hotel, eh naisip namin na parang nakakahiya at nakasando ang dalawa naming boys. Halatang c.b.? hahaha Nataon naman na nagshopping si Jimboi ng bagong damit kaya pinahiram nya muna ang boys (note to self, wag kalimutang ipalaba ng maayos ang mga bagong damit. ahihihihi). Two saves by Jimboi sa gabing ito ah!

Intro na sa the most awaited part of the night. Amoy na amoy sa hangin ang excitement ng mga bakla! Ladies and gentlemen, I now present you Stardancer (nakablack) and Tuod (nakawhite).

Si Stardancer ay halatang bihasa na sa mga shower parties. Marunong magbuild ng rapport sa mga kliente. At may mga uod moves na dance steps. hahahaha. Yun nga lang may 3 butas ang kanyang boxers, yes nabilang ko, tatlo talaga. hahaha

Si Tuod, well, ayun, Tuod. First timer daw. Walang kwenta dahil para lang syang sumasayaw ng maglalatik. Kaya pala mas mura. Sa inis ko, hindi ko talaga sya tinitignan, pwera na lang nung nakabrief na lang sya. hahaha Joke. Nde ko nga napansin na maitim daw yung kuyukot nya eh.

Matapos ang tatlong kanta, babush na ang mga boys. Wala man lang akong nakitang toot! Lech. Pero pwede na din. hahaha. Enjoy naman. Tamang naughty lang, para nde naman bastusin ang lagay! Pero after nun, parang ayaw na namen marinig pa ulit ang kantang Apologize. hahaha

After nun, pinaakyat ko si Jimboi para ipakilala sa ibang pang teammates ko na di pa nya namemeet. Yes, nagstay si Jimboi. Feeling ko dahil gusto nyang magbantay para wala akong gawing kahalayan. Haller, dalagang Pilipina kaya ako! ahihihi. Pero pogi points kay Jimboi ang pagtulong sa amin, inferness! :)

Sabi pa nga nila, ang supportive daw na hubby ni Jimboi, ano daw ba kapalit nun? Sabi naman nya, si Fiona na ang bahala dun, sabay kindat sa akin! ahihihihi Gusto ko nang sumama umuwi right then and there. ahihihihi. Gusto ko na magbayad, kung ano mang kabayaran yun! wihihihi

Pero dahil nde pa tapos ang gabi, at nagprepare na ko ng pangovernight, nagpaiwan ako. Na hindi ko naman pinagsisihan. Naglaro kami ng 'I've never' at doon ko nakilala pa ng lubos ang aking mga teammates. Walang limit na tanungan, walang inhibisyong aminan. Kakatuwa. :) At syempre, ahem, ahem, naging resource speaker ako ng BJ101. Ewan ko ba kung ba't ako, eh nde naman ako expert dun. ahihihihi.

Sobrang saya ng first bridal shower na naattendan ko. Kahit medyo maraming glitch, ok pa din naman ang kinalabasan. I can't wait for the next!!! Kanino kaya ang susunod?

Sana sa bridal shower ko, ganito din kasaya. Pero gusto ko wilder ng konti. Ahihihihi. Leche, bawal kumontra, di bawal mangarap no!

Tuesday, April 15, 2008

Si whitebird - bridal shower for Madam part 1

May surprise bridal shower kami for Madam. Ang buong akala nya, magmemeet lang kami for dinner tas yun na. Haller, papayag ba kaming ganito kawholesome ang shower, eh perstaym ko to makakaattend? No way!

Ang plano ng team: Ipress release na magdidinner lang ng Saturday afternoon (check). Magbook ng isang room sa Edsa Shang (check). Iinvite ang ibang girls from the previous team (check). Magprepare ng mga games na pwede laruin (check). Makipagcoordinate sa mommy or bf ni Madam re: extra clothes (check). Maghire ng stripper para masaya (check).

Actually, nde pala madali humanap ng stripper, lalo pa't nagkataon na booked na yung nirefer kay Nikki (teammate ko). So mega tanong akez sa mga friendships kung may kilala sila. Buti na lang nung Friday night, may nirefer yung isang berkette ko na stripper. Yun daw yung nakuha nila nung shower nung officemate nya. Malaki daw ang katawan at higit sa lahat malaki ang jumbo hotdog! ahihihihi. At may talent daw, may i sabit the towel portion itu! Tinanong ko kung cute, ang sabi nya eh basta malaki daw (in other words, hipon)! Aba, pwede na yun kesa wala. Nde naman ako choosy eh! At gusto ko makakita ng talent noh?

So mega text ever aku kay whitebird! Ask ko kung pwede sya bukas, kung pasok ba sa kanya ang budget, ilang songs, san sya imemeet, chuchuchu. Basta the works! Ayun pwede naman daw sya. Sa course ng aming pagtetexan, eh nadeduce ko na medjo may pagkajologs ever itung si whitebird. Aba kung anu-anu ang pinagsasasabe. Kesyo kahit nde pa daw nya kami namemeet eh alam nya na mababaet daw kami. At iba pang chuchuchu. Tas sabi nya 'puro babae ba kayo manonood bukas'? Sabi ko may 1 tivoli at 1 gaylaloo. Sabi nya eh 'ikaw babae ka ba o lalaki'? Ah eh, para matapos na ang text eh sinabi ko na lang na ako yung tivoli (niloloko na kasi ako ni princhepe na textmates na daw kami nung whitebird, at feel na feel ko pa daw makipagtextan). Ah eh ang reply ba naman 'bat mo gusto manood bukas eh pareho naman tayo lalake? ... ah basta kahit ilan kayo ang impurtante mapanood nyo ko bukas... pare ikaw ba magsusundo sa akin bukas'? Sabi ko na lang for fun, tsaka tatawagan ko na lang sya bukas, basta confirmed na for tomorrow. Cge text na lang daw namin sya.

Solb na! At least may something naughty kame gagawin tom at di lang pagbabaraha! Excited na ku! ahihihihi

Kinabukasan ng hapon, check in na sa hotel! Oh my, at sino din ang andun? Si Dingdong D at Karylle, nagsiswim!!! Kaso di pa ko nakakapagshave so nde muna ko nakapag2piece agad, kaines! Di ko sila masasabayan sa pool, paksyet! So grocery na lang muna, tas balik ng hotel. Text kay whitebird to confirm nga yung meeting place and time. Tas shave and palit and tambay/boywatching sa poolside. Text ulit kay whitebird dahil nde pa sya nagrereply. Tawag na din kaso out of reach, leche.

Next mineet na namen si Madam for the dinner. Nadulas pa ako na nagcheck-in ako sa hotel. Palusot ko na lang, nagcheck-in kami ni Jimboi, tas dun kami stay mamya! Ahihihihi

Text pa den kmi kay whitebird, tawag na din, but out of reach pa den. Urat si burat!

Di lang si whitebird ang minor glitch sa plan. Ahihihi. Nagkamisscommunication pa about sa extra clothes ni Madam. Pero di ko masyado alam what went wrong kasi nga nasstress na ko kay whitebird. Leche sya!

Sa hotel, eh nireveal na namen ang balak na overnight! ('Totoo ba to? Kinakabahan ako ah'! -si Madam) nagpalit na yun mga may baon na pangswim, yung mga wala prepare na ng games at drinks. As usual, two-peice kung two piece ang dala nung 2 kong Calendar girl friends- si Ms. September at Ms. November. Ako naman Ms. Tapia lang inferness. Winnur! Si bride? Dahel wala yung pampalet, eh mega nood na lang sa tabi. Pasensya biscuits! ('Di nyo kasi dapat kinakausap tong si Papa J, magulo to eh'! -si Madam ulit!)

Try ulet kami text/tawag kay whitebird ng 10pm tutal yun naman ang call time. Pero since out of reach pa den sya, inassume na lang namen na noshow! Asshole ang pootah! Eh di urat na urat ako! Iritacion to the highest level! But no, di ako papayag na walang stipper tonight! Never! Never, never.

Bwiset na whitebird ka, maputol sana bird mo! ahihihihihi

Wednesday, March 19, 2008

Honey Di Ba May Pasok Ka Pa?

Mabilis mong isubo,
Dilaan mo pa.
Konting higop lang, tapos.