Pages

Thursday, January 8, 2009

Ang Sumpa.... December 26

Sampung taon na kaming magkaibigan. Nakilala ko siya noong unang pagkakataong pumasok ako sa kolehiyo. Madali siyang mahalin pero mahirap intindihin. Madali siyang mahalin dahil palakaibigan talaga siya. Siya rin ang payaso ng grupo sa sobrang galing niyang magpatawa. Kung kinarir niya ito, malamang mas sikat pa siya kay Allan K ngayon. Natural kasi sa kanya ang pagiging makulit at masayahin. May pagkakataon lang na sumosobra. Mahilig din siyang maghubad, lalo na sa harap ng kamera. Pero hindi naman sexy ang laging labas ng mga larawan, kundi takutan. Mataas lang talaga ang fighting spirit ni bakla. Kumbaga eh sadyang makapal ang mukha. Idagdag mo pa na sadyang nakakatuwa, nakakatawa ang mukha niya. Hinulma ng tadhana, pero pinaglaruan ng sumpa. Madalas namin siya noong biruin na baka kapatid niya si Allan K., dahil ampon nga lang siya. Pero noong lumabas ang kauna-unahang movie ng Shrek, ito na ang naging bansag sa kanya. Hindi ko alam kung talagang may katangahan lang itong si Shrek o pinanganak siyang may kaakibat na malas. Kaya siguro siya pinamigay. Marami akong kuwento tungkol kay Shrek pero ito ang gusto kong i-share dahil maliban sa kanyang taglay na kamalasan, eh may mas malala pa palang sumpa ang bakla. Isang sumpang hindi nakakatuwa.

December 26, sinundo ko si bakla sa Alabang. Magpapasama kasi ako sa kanya sa Putatan para kunin yung package na pinadala ni Mama sa kaibigan niyang umuwi. Pagkakuha ng package, dumiretso kami kina GG, friendhip naming tiboli na may kapatid na dalawang beki. Tarayful ng family d vah! Nastroke kasi ang pudra ni GG last Dec. 23. pagdating doon, kinausap agad ni Shrek si Pao, ang beking bunsong kapatid ni GG, para sa mga possible booking later. Wala talagang patawad ang Shrek, kahit coffee party, walang awat sa pagrampa. Nagkaroon naman kami ni GG ng pagkakataong mag-usap.

‘Hay naku mare, alam mo ba kung sinong sumpa ang huling bisita namin nung gabing mamatay si Daddy?’ tanong sa akin ni GG.

‘Sino?’

‘Eh di si Shrek. Ang walang hiya, ganyan na ganyan din ang ginawa kay Mommy 3 years ago. Bumisita dito, buong maghapon na pinatawa ng pinatawa si Mommy, by 10pm na-stroke na. Naulit lang nung 23, napadaan ang bakla dito at niyayaya akong uminom. Nakipag-usap lang kay daddy at nakipagbiruan, mga alas-diyes ng gabi, kaaalis lang ng bakla, na-stroke na si Daddy.’

Naloka ako sa kuwento. Ganun na ba kamalas ang bakla. Alam ko na walang hinanakit si GG kay Shrek, dahil mabuti silang magkaibigan. Tested na kumbaga ang kanilang friendship. At malawak ang pang-unawa ni GG, para sa kanya, co-incidence lang ang mga pangyayari. At bilib ako na nakuha pa niyang matawa sa sarili niyang kuwento. Pero iba ang naglalaro sa isip ko sa mga sandaling iyon. Back to Mendiola days namin ni Shrek. Sa pagdaan ng panahon nakalimutan ko na ang unang pagkakataon na naranasan at nakita ko ang lakas ng sumpa ni Shrek.
Kung hindi ako nagkakamali, 18th birthday ko yun. Huling araw ng finals ng first semester. Kumpulan kaming mga magkakaibigan sa harap ng San Beda church. Kasama ang mga Beda boys. Bago kami naghiwa-hiwalay, sinigurado ko ang bawat isa na pumunta sa isang bar sa Timog ng gabing yun, kung saan ko gaganapin ang birthday party ko. Umuwi ako para mag-prepare. Biglang tumawag ang Shrek, sunduin ko daw at ipagpaalam. Pinuntahan ko naman agad. Si Kakai ang tinawagan ko na umasikaso sa mga bisitang mauunang darating sa bar. Pagdating ko kina Shrek, bihis na siya, sinalubong niya ako sa labas ng bahay.

‘Huwag kang magsasalita, basta magpakita ka lang kay mommy. Ako na bahalang magpaalam,’ tanda ko pa ang binulong ni Shrek sa akin. Oo lang naman ako.

‘Mommy, aalis kamini Yj.’

‘Oh saan kayo pupunta?’ tanong ng mommy ni bakla.

‘Sa lamay po,’ walang kurap na sambit ng bakla sabay halik sa pisngi ng mudra niya. Gusto kong umapila. Birthday ko, ginawang lamay ng potah. Kung puwede ko lang sabunutan ang bakla, ginawa ko ng bonggang bongga. Hindi ko alam kung bakit niya sinabi yun sa mommy niya. Kung nagtitrip siya, puwes hindi magandang biro yun. Unacceptable.

Pagdating namin sa bar, puro lukot ang mukhang sumalubong sa akin. Nag-sorry ako at nagpaliwanag na sinundo ko pa si Shrek kaya ako nalate. Pero napansin ko na ang baklang si Glenn ay naglulupasay sa iyak. Hindi pala asar ang nasa mukha ng mga friendships, kundi labis na lungkot. Tinanong ko si Kakai kung anong nangyayari.

‘Bakla, si Armaine, namatay kanina.’

Nanlaki mata ko. Pano nangyari yun? Iniwan ko siya sa tambayan sa Beda ilang oras pa lang ang nakakaraan. Nangako siya na pupunta sa birthday ko. Nagpapaliwanag si Kakai, kinukuwento kung ano ang nangyari, pero wala na akong naririnig. Bakit siya pa? sa lahat ng Beda boys, siya ang pinakamabait, walang yabang sa katawan. Si Armaine na sobrang guwapo at inosente. Siempre hindi ko naman winiwish na mangyari sa iba naming friend pero bakit kailangang siya? Ang dami namang masasamang tao. Hindi ko maiwasang sisihin si Shrek sa mga oras na iyon. Bakit kasi kailangan niyang sabihin yung mga binitawan niyang salita? Feeling ko talaga may kinalaman yung pagpapaalam niya sa nangyari sa kaigbigan namin. Si Armaine ang sumalo ng sumpang binitawan niya. Sumama man ang loob ko, hindi ko nalang pinahalata. Hindi ko na rin kinuwento sa iba yung ginawa ni Shrek. Bago namin sinimulan ang party, nag-alay kami ng taimtim na dasal. Sinubukan naman naming magsaya nang gabing yun. Maliban kay Glenn na sobrang nasaktan sa nangyari dahil nga inlababo kay Armaine.

Madalas nilang sabihin na ‘mag-dilang anghel ka sana’ kung may nasasabi tayong maganda. Pero pano kung dilang-demonyo pala ang angkin mong dila? Sheeeeeeeeeeeeet naman, the power of words. Hay naku, wish ko lang magbago na si Shrek. Hanggang ngayon kasi matabil parin ang dila ni bakla. Walang awat. Kaya laging nasasapak eh.

4 comments:

Luis Batchoy said...

AY! Pagkakaperahan natin yang SHREK na yan! Talented na baklush! Pahiram sandali at kaibiganin ko. PA-sumpa ko lang paisa isa ang mge letcheng ex ko na nanakit at nanloko sakin. JOKE!
Seriously... coincidence lang siguro. Wag naman nating akusahan si Shrek agad!

Diosa said...

ako rin. may papatay lang ako sa office mga lima lang. hahaha


Seriously, i think nagkataon lang yun. kawawa naman si bakla, pero kung ganun pa man at may dala siyang ganung effect pahiram muna at may papatay lang talga ako. LOL

Bilang ganti sa kanya papakilala ko siya sa mga firned skong belong rin sa Shrek Family. hahaha

Yj said...

hahahaha natutuwa naman ako at na-appreciate niyo talent ni bakla hehehhe. mahal na mahal ko talaga yang friendship kong yan..... bakit nga ba hindi ko naisip ipasumpa sa kanya ang mga kaaway ko? hehehehe joke....

Luis Batchoy said...

ngayon naisip mo na! Pakisubok lang ng galing ni Shrek at naka antabay kami ni Diosa... hehehhee