Pages

Showing posts with label Bombo. Show all posts
Showing posts with label Bombo. Show all posts

Wednesday, May 26, 2010

Dahil Sa Lahat Ng Mga Naging Jowa Ko....

emoterang shrek
Kaka-break lang ng friend kong si Shrek sa kanyang boylet na si Raphy. Kaya naman bonggang bongga lang ang mga emote niya sa kanyang mga Face Book status, gaya ng mga sumusunod:

Raphy is always on my mind. (april 11)

Malungkot ginawa sa akin ng taong pinakamamahal ko. Sabi ko may sasabihin ako sa kanya, nag-reply ba naman, "SABIHIN MO NALANG SA IBA!"Finally nagising na talaga ako. Hindi niyo na maririnig pangalan niya mula sa bibig ko!!! (april 17)


PAANO BA ANG MAKALIMOT????? (april 19)




I can't sleep 4am na. Everytime I close my eyes ikaw ang nakikita ko, pag may nagtext, pagtingin ko sa CP ko picture mo ang wall paper ko. Pag nag-iinternet ako, lahat ng account ko, pangalan mo ang password ko. Ano ba pinakain mo sa akin? (april 20 4:55am  )


Unti-unti ko ng tinatanggap na mawawala ka na sa akin. (april 20 11:20pm)


Sabi niya ayaw daw niya akong makita. OUCH! (april 22)


Namimiss ko siya. 1 week ko na siya hindi nakikita. Akala ko kaya ko na. Ngayon nangangati ang daliri ko. Gusto ko siya i-text pero natatakot akong ma-reject ulit. (april 23)


Im proud to say okay na ako. Nagkita kami kagabi. Naupo siya saglit pero umalis din agad. Habulin ko sana pero naisip ko HUWAG NA. "WALA AKONG KAILANGAN SAYO!!!" (april 27)


28 pala ngayon. Magpapainom ako dahil monthsary namin. SHET! (april 28)


Mismong kaibigan na niya nagpayo sakin. Maghanap na daw ako ng iba. (april 30)


Im so happy bati na kami. Sabi ko kahit friends nalang kami okay lang, masaya na ako. Desperado pa rin ba ang dating? (may 1)


Naisip ko, bakit sa dinamidami ng baklang dumaan sa kanya, ako lang ang na-inlove? Meaning ba nun, mababa ang standrads ko? (may 4)


Yung mga taong nagmamahal sa akin siguradong kakaawaan niyo ako. Tinext ba naman ako, "WINALANGHIYA NA NGA KITA AYAW MO PA RIN AKO TIGILAN!" Tumulo talaga luha ko sa kaliwang mata. (may 5)


Napagod na akong ipagsiksikan ang sarili ko. Pero miss ko na siya. (may 13)


Nag-miss call ako sa kanya tapos mga 9pm nag text ng HU U? Tapos 12midnight nag text ng PASALOAD NAMAN! Akala ko ba HU U? (may 19)


Hoy tinext na niya ako ng maayos. "Shrek papasaload naman, may extra ka?" At least hindi na HU U??? Kung sana man lang eh kinumusta niya ako bago siya nanghingi ng pasaload, puntahan ko pa siya sa purok sais, para bigyan ng pangload, pangkain, pang-inom, pambisyo. Shet DESPERADO!!! (may 20)


******

okay so nung saturday ay nagkaroon ng volt-in ang mga bombo girls sa bahay ng isa naming ka-bombo. dumating ang Shrek na naka neon green na top at metallic blue na headband. nang medyo lasing na ang potah, more ispluk na siya sa mga pinagdadaanan niyang kadramahan lately, mula nung naghiwalay sila ni Raphy, na ang press release ni Shrek nun eh kamukha daw ni papa P. pero wag ka, nung makita namin sa personal, kamukha ni Berting Labra. 

bilang mabuting kaibigan, siempre mega comfort ko ang bakla. 


"Alam mo friend, marunong kang magmahal, at hindi nakikita ni Raphy yun. You deserve someone better. Kaya move on ka na," sabi ko sa kanya habang more more tungga siya ng Bacardi Apple. 

"Ano ba kasi meron yang lalakeng yan at hindi mo makalimutan?" dagdag na tanong ng friendship na si Kakai.

at sa gitna ng kalasingan ni Shrek, ay ito lang ang nasagot niya.

"Sa lahat kasi ng naging jowa ko, siya lang ang maputi ang singit!"

shrek on the beach

putang ina.... achievement!!!! 

 

 

Tuesday, January 20, 2009

Ang Tanga Baw...

1st – fotang ina naman Rustom. Keri naman ang pagirl na aura mo pero ang namesung!!! Bebe Gandanghari? Saan mo nakuha yan? Sana Putingtae nalang apelyidong gamitin mo para pure na pure ang dating. Estufishet!!!

2nd – hindi ko nakikita lately ang mg TLs ha! Namimiss ko na ang mga kolbang na sina RJ at Jhay. Sabi ko na eh, dapat pumayag na ako nung niyayaya ako ni Jhay na hadahin ko siya. Nagpagirl pa kasi ako. Shet!!!

3rd – nasabi ko na bang malas si Shrek? Ang bayot at dinalaw nanaman ng kakambal niyang si KAMALASAN. Ewan ko ba kung anong meron sa baklang ito at laging nawawalan ng cellphone. Ten years ago, ganyan na eksena niyan, college pa kami nun (college parin ako hanggang ngayon). Kasi nga nung araw, nalihis ang landas ng bayot at natutong mag-ishi. Kaya naman pag nawawalan ng gamit eh lagi kaming nagdududa na baka binenta para may pambisyo. Pero dahil may konting kabutihan naman sa kalooblooban ng friendship kong to, kaya sige na, give him the benefit of the doubt na. Hindi ko na maalala yung mga eksena niya nung college, basta maya’t maya siyang nawawalan ng nielpon.

Mid 2006, first reunion ng mga Bombo. Bonggang bongga ang nielpon ng bayot, brand new. D ko maalala kung anong model basta de-slide at neon pink ang kulay. Basta nagkakahalaga ng $400 dahil padala ng madu niya. May kasamang boylet nun ang bakla na ala Al Pacino dahil have ng scarpez. Guapo sana kaso nga malaki talaga ang peklat sa mukha. Pero dakiz daw sabi ni Shrek, although wititit daw niya jowa. Siempre d kami naniwala. Kilala ko ang bakla, mahilig siya sa mga boylets na napupulot lang sa tabi-tabi. Yung mga tipong troli boys na makikita sa riles malapit sa kanila. Feeling ng bakla eh mas madali niyang mamamanipula. Basta ngenge na kaming lahat ng maghiwa-hiwalay. Kinaumagahan, tumawag ang bakla sa landline ko. Nagngangangawa. Nawala daw ang nielpon. Suspetsa ko yung boylet ang kumuha dahil nagmotmot pa daw sila. O d naman kaya eh kusa niyang binigay sa kalasingan niya. Pero mega defend ng bakla ang boylet niya. Whatevz.

Wala pang two weeks, may umuwing kamag-anak ang bayot galing States. Pinalitan ng mudra ang nielpon, mas bongga, motorola. After 5 days, rumampa ang bakla sa Batangas. Niyaya daw ng mga beking taga-aplaya. Nakipag-inuman sa mga boylet na wititit niya knows. Keri naman daw ang mga pezlak. At kakaumpisa palang ng nomo, may nagpapabuking na sa kanya. Ganda ng fotah. Naubusan ng alak. So mega prisinta ang bayot na bumili ng alak with the booking. Eh sobrang liblib ang lugar at talaga namang malayo daw sa kabihasnan. Walkathon daw sila patungo sa napakalayong tindahan. In the middle of nowhere, at out of nowhere, biglang may tatlong lalakeng humarang sa kanila. HOLDAP daw!!! Goodbye sa pambili ng alak. Goodbye sa brand new motorola. Siempre suspetsa ko na baka kusa nanaman niyang naibigay ang nielpon sa kung kaninong boylet. Pero yun na nga daw ang masama, nawalan na sya ng nielpon, d pa siya nakahada. Sana nga daw nagpakantot nalang siya sa mga holdaper, may napala pa siya. Eeeew.

Taong 2007 nakatatlong celfon pa siya. Year 2008, dalawa. Lahat yan naglahong parang bula.

Two weeks ago nawala ang celfon ni bakla. Kaya naman may I post siya ng bulletin sa friendster na huwag muna siyang itext. Last Friday may bago siyang bulletin, announcing na may bago na siyang nielpon at magpasabog na raw kami sa inbox ng bruha. Ganyan ka-spoiled ang chaka doll na yan. Kagabi or should I say kaninang madaling araw, tumawag ang bakla. Nawala daw ang bagong bagong celphon niya. Pano? Ayun nakitulog sa bahay ng isa sa mga boylet niyang nyodik. January palang nakadalawang telepono na ang potah. May 11 months pa.

This point, binabawi ko na ang mga nasabi ko regarding my friend being malas. Hindi totoo yun. Tanga siya! TANGA! (may bitterness yan dahil ako nagtitiyaga sa de-uling na ketai tapos siya winawala-wala lang ang mga brand new).

pero TANGA talaga!!!

Thursday, January 8, 2009

Ang Sumpa.... December 26

Sampung taon na kaming magkaibigan. Nakilala ko siya noong unang pagkakataong pumasok ako sa kolehiyo. Madali siyang mahalin pero mahirap intindihin. Madali siyang mahalin dahil palakaibigan talaga siya. Siya rin ang payaso ng grupo sa sobrang galing niyang magpatawa. Kung kinarir niya ito, malamang mas sikat pa siya kay Allan K ngayon. Natural kasi sa kanya ang pagiging makulit at masayahin. May pagkakataon lang na sumosobra. Mahilig din siyang maghubad, lalo na sa harap ng kamera. Pero hindi naman sexy ang laging labas ng mga larawan, kundi takutan. Mataas lang talaga ang fighting spirit ni bakla. Kumbaga eh sadyang makapal ang mukha. Idagdag mo pa na sadyang nakakatuwa, nakakatawa ang mukha niya. Hinulma ng tadhana, pero pinaglaruan ng sumpa. Madalas namin siya noong biruin na baka kapatid niya si Allan K., dahil ampon nga lang siya. Pero noong lumabas ang kauna-unahang movie ng Shrek, ito na ang naging bansag sa kanya. Hindi ko alam kung talagang may katangahan lang itong si Shrek o pinanganak siyang may kaakibat na malas. Kaya siguro siya pinamigay. Marami akong kuwento tungkol kay Shrek pero ito ang gusto kong i-share dahil maliban sa kanyang taglay na kamalasan, eh may mas malala pa palang sumpa ang bakla. Isang sumpang hindi nakakatuwa.

December 26, sinundo ko si bakla sa Alabang. Magpapasama kasi ako sa kanya sa Putatan para kunin yung package na pinadala ni Mama sa kaibigan niyang umuwi. Pagkakuha ng package, dumiretso kami kina GG, friendhip naming tiboli na may kapatid na dalawang beki. Tarayful ng family d vah! Nastroke kasi ang pudra ni GG last Dec. 23. pagdating doon, kinausap agad ni Shrek si Pao, ang beking bunsong kapatid ni GG, para sa mga possible booking later. Wala talagang patawad ang Shrek, kahit coffee party, walang awat sa pagrampa. Nagkaroon naman kami ni GG ng pagkakataong mag-usap.

‘Hay naku mare, alam mo ba kung sinong sumpa ang huling bisita namin nung gabing mamatay si Daddy?’ tanong sa akin ni GG.

‘Sino?’

‘Eh di si Shrek. Ang walang hiya, ganyan na ganyan din ang ginawa kay Mommy 3 years ago. Bumisita dito, buong maghapon na pinatawa ng pinatawa si Mommy, by 10pm na-stroke na. Naulit lang nung 23, napadaan ang bakla dito at niyayaya akong uminom. Nakipag-usap lang kay daddy at nakipagbiruan, mga alas-diyes ng gabi, kaaalis lang ng bakla, na-stroke na si Daddy.’

Naloka ako sa kuwento. Ganun na ba kamalas ang bakla. Alam ko na walang hinanakit si GG kay Shrek, dahil mabuti silang magkaibigan. Tested na kumbaga ang kanilang friendship. At malawak ang pang-unawa ni GG, para sa kanya, co-incidence lang ang mga pangyayari. At bilib ako na nakuha pa niyang matawa sa sarili niyang kuwento. Pero iba ang naglalaro sa isip ko sa mga sandaling iyon. Back to Mendiola days namin ni Shrek. Sa pagdaan ng panahon nakalimutan ko na ang unang pagkakataon na naranasan at nakita ko ang lakas ng sumpa ni Shrek.
Kung hindi ako nagkakamali, 18th birthday ko yun. Huling araw ng finals ng first semester. Kumpulan kaming mga magkakaibigan sa harap ng San Beda church. Kasama ang mga Beda boys. Bago kami naghiwa-hiwalay, sinigurado ko ang bawat isa na pumunta sa isang bar sa Timog ng gabing yun, kung saan ko gaganapin ang birthday party ko. Umuwi ako para mag-prepare. Biglang tumawag ang Shrek, sunduin ko daw at ipagpaalam. Pinuntahan ko naman agad. Si Kakai ang tinawagan ko na umasikaso sa mga bisitang mauunang darating sa bar. Pagdating ko kina Shrek, bihis na siya, sinalubong niya ako sa labas ng bahay.

‘Huwag kang magsasalita, basta magpakita ka lang kay mommy. Ako na bahalang magpaalam,’ tanda ko pa ang binulong ni Shrek sa akin. Oo lang naman ako.

‘Mommy, aalis kamini Yj.’

‘Oh saan kayo pupunta?’ tanong ng mommy ni bakla.

‘Sa lamay po,’ walang kurap na sambit ng bakla sabay halik sa pisngi ng mudra niya. Gusto kong umapila. Birthday ko, ginawang lamay ng potah. Kung puwede ko lang sabunutan ang bakla, ginawa ko ng bonggang bongga. Hindi ko alam kung bakit niya sinabi yun sa mommy niya. Kung nagtitrip siya, puwes hindi magandang biro yun. Unacceptable.

Pagdating namin sa bar, puro lukot ang mukhang sumalubong sa akin. Nag-sorry ako at nagpaliwanag na sinundo ko pa si Shrek kaya ako nalate. Pero napansin ko na ang baklang si Glenn ay naglulupasay sa iyak. Hindi pala asar ang nasa mukha ng mga friendships, kundi labis na lungkot. Tinanong ko si Kakai kung anong nangyayari.

‘Bakla, si Armaine, namatay kanina.’

Nanlaki mata ko. Pano nangyari yun? Iniwan ko siya sa tambayan sa Beda ilang oras pa lang ang nakakaraan. Nangako siya na pupunta sa birthday ko. Nagpapaliwanag si Kakai, kinukuwento kung ano ang nangyari, pero wala na akong naririnig. Bakit siya pa? sa lahat ng Beda boys, siya ang pinakamabait, walang yabang sa katawan. Si Armaine na sobrang guwapo at inosente. Siempre hindi ko naman winiwish na mangyari sa iba naming friend pero bakit kailangang siya? Ang dami namang masasamang tao. Hindi ko maiwasang sisihin si Shrek sa mga oras na iyon. Bakit kasi kailangan niyang sabihin yung mga binitawan niyang salita? Feeling ko talaga may kinalaman yung pagpapaalam niya sa nangyari sa kaigbigan namin. Si Armaine ang sumalo ng sumpang binitawan niya. Sumama man ang loob ko, hindi ko nalang pinahalata. Hindi ko na rin kinuwento sa iba yung ginawa ni Shrek. Bago namin sinimulan ang party, nag-alay kami ng taimtim na dasal. Sinubukan naman naming magsaya nang gabing yun. Maliban kay Glenn na sobrang nasaktan sa nangyari dahil nga inlababo kay Armaine.

Madalas nilang sabihin na ‘mag-dilang anghel ka sana’ kung may nasasabi tayong maganda. Pero pano kung dilang-demonyo pala ang angkin mong dila? Sheeeeeeeeeeeeet naman, the power of words. Hay naku, wish ko lang magbago na si Shrek. Hanggang ngayon kasi matabil parin ang dila ni bakla. Walang awat. Kaya laging nasasapak eh.

Tuesday, December 30, 2008

Kasal-kasalan.....


Nauna ako sa Jollibee sa Mendiola. Nag text si NJ nasa SM Manila na daw siya pero ang tagal mapuno ng jeep. Linggo kasi at ang aga pa kaya walang masyadong pasahero. Inabot din yata ng kalahating oras ang paghihintay ko. Nag-take out na ako burger at fries para sa kanya. Isang oras na kaming late sa laro ni BBB, bibiyahe pa. Pagdating namin sa RTU tapos na ang laro, pero wala rin palang kuwenta ang pagpunta namin dahil hindi naman naglaro si BBB. Naiwan kasi niya ang uniform niya. Sinalubong niya kami sa gate ng gym at nagsumbong na parang bata. Dinibdiban siya ng coach niya ng dalawang beses. Nagtext si Kai sa akin at nagpapasamang bumili ng regalo para kay Paris, sa Gateway daw kami magkita. Niyaya ko si NJ at BBB. Hindi naman kami nahirapan ni Kai pumili ng gift. ikot lang kami ng isang beses sa Rustan’s Home churvah at nagdesisyon na kaming electric grill nalang ang ibigay. Masyadong common na kasi pag rice cooker. Nagyayang maglunch si Kai at libre daw niya. Nag-KFC nalang kami sa food court. Inaasar ako ni Kai, gago daw akong nagsasasama sa mga bata. Anong magagawa ko eh sila na ang pinakamatino sa mga kaklase ko sa school. Para daw siyang nanay around the two boys. Inasar ko rin siya na talaga namang nanay na siya. Masaya naman ang kuwentuhan over lunch. Kuwento si Kai sa mga katarantaduhan namin nung college, at pinagsasabihan sina NJ at BBB na dumistansiya sa akin dahil mapapariwara daw sila. Natatawa lang naman yung dalawang boylet. Pagkatapos kumain, naghiwa-hiwalay na kami. Umuwi si BBB sa Bulacan. Si Kai tumingin pa ng damit na puwede raw niyang isuot sa kasal. Kami ni NJ nag LRT pauwi sa bahay ko. Salampak siya sa sofa at watch ng tv habang naliligo ako. Siempre nagpatulong ako kay NJ pumili kung ano isusuot ko. Ending, yung vest din. Ang init nga naman para mag-coat pa ako. Huwag ng magmaganda. Naghiwalay kami ni NJ sa Altura, dumiretso siya sa dorm para kunin ang mga gamit na iuuwi niya sa Paranaque at pumunta na ako kina Kai.

Sa Trinoma kami nakipag-meet kina Joy at Shrek. Buti nalang at electric grill ang pinili naming gift dahil rice cooker ang binili nung dalawa. Sana lang wala ng iba sa mga bisita ang magregalo ng gaya sa amin. Nag-taxi kami papuntang Novaliches kung saan gaganapin ang garden wedding at pagkatapos ng napakahabang biyahe dahil ang hirap hanapin ng address, nakarating din. Sinalubong kami ni Piolo, ang groom. May bilat na naghatid sa amin sa aming table, na green kung green ang cover. Pati upuan nakabalot din sa green. Halos lahat ng bisita naka-green. Ako din naka-green. Huling araw na ng green. Pasado alas-siete na ng magsimula ang kasal. Pastor ang nagkasal sa kanila, pero hindi ko alam kung anong sekta ng relihiyon. Ang ganda-ganda ni Paris. Diyosang-diyosa ang dating niya sa gown at sa ayos ng buhok niya ng may koronang gawa sa daisies kung saan nakakabit ang napakahaba niyang belo. Mega imagine ko bigla ang sarili ko na suot ang gown at belo, ang ganda ko. Siempre pa hindi namin maiwasang magbulungan at gumawa ng mga espekulasyon kung bakit sobrang biglaan ang kasal. To the point na kahit isa sa family ni Paris eh walang nakarating, dahil hindi nasabihan. Hindi namin alam kung anong kalokohan ang pumasok sa isip ni Paris para gawin ito, pero pinagdarasal ko nalang na sana hindi lang kalokohan ito. Gaya ng pagdarasal ko na huwag bumuhos ang kanina pa nagbabadyang ulan. In the end, naisip din namin na baka talagang masaya siya sa naging desisyon niya, dahil sa tingin namin eh talagang masaya naman siya. Maagang nag-uwian ang ibang mga bisita. Puro mga kaibigan lang ni Paris at family ni Piolo ang naiwan. Inuman to the max at walang humpay na okrayan na ang sumunod. Dumating din sa wakas si Bebang na muntikan ng walang inabutang pagkain. Pasado alas-dose na ng mag-text sa akin si Rose, nasa Manila daw silang lahat na magkakapatid dahil namatay ang daddy nila at nakaburol sa Tenement sa Taguig. Dumating din daw ang kaibigan naming si Jojo kaya binigay niya sa akin yug address at directions in case na gusto kong pumunta. Dahil taga Taguig si Joy at uuwi naman ng Las Pinas si Bebang, sumabay na ako sa kanila. Alas-dos na ng umaga kami umalis sa kasal. Naghihintay na sa akin sina Ramil at Jojo sa Caltex ng bumaba ako dun. Tatlong taon na rin mula ng huli kaming magkita-kita, at bigla kong naramdaman na uminit ang mga mata ko. Namumuo na ang luha.