Sa tatlong linggong nagdaan, wala yatang gabi na hindi ako napalabas sa lungga ko. Alam niyo naman ang mga
diwatang paniking katulad ko, lumalabas ang kapusukan sa sandaling lumubog ang araw.
Maaga akong nakipag kita kay Nyl the Sunday before last, dahil tom jones akez naghanap muna kami ng matinong makakainan. And when I say matino, kailangan may view. Yung tipong habang kumakain ka eh may nakikita ka ring boylet na masarap
kainin pagmasadan habang kumakain. Rampage all over greenbelt. More rampage pa. Yung ibang nasasalubong namin napapatigil.
girl 1: si Yj yan di ba?
girl 2: oo nga, ang ganda niya sa personal!
At some point may mga nasalubong kaming grupo ng mga kabataang lalake na may future sa showbusiness. Bilang mga talent scouts, dahil nagsusumigaw naman talaga sa kabaklaan.
bayot 1: ay si Yj
bayot 2: at si Citybuoy!
bayot 3: Citybuoy who?
Napatingin nalang ako sa kasama ko and gave him my "mas sikat ako sayo smile"! bwahahahahaha
Okay nagkakalokohan na. Ilusyon ko lang lahat yan. Basta later that night kumpleto na ang coffeebabies sa Nyorbax 6750. Coffeebean babies talaga kami, pero dahil plenty ng utaw sa coffeebean that night, we had to go someplace na medyo tahimik dahil magpo-poetry reading kami. Pak!
So there we were, Nyl, Viktor, Carlo and a special guest. Bilang diyosa ng mga paniki, ako siempre ang nagbukas ng poetry reading namin. Binuksan ko ang pinaka-ingat ingatan kong notebook na naglalaman ng mga salita ni Priscilla Queen of the Desert. Matama kong pinagmasdan ang aking mga kasama. Nakatingin din lang sila sa akin. Tahimik. Animo'y uhaw na uhaw at ang makakapatid lamang ng kanilang uhaw ay ang mga salitang mananalaytay mula sa aking pouty and VIRGIN cherry-pink lips! I took a deep breath. Closed my eyes. Opened them. Smiled. And started....
A few questions that I need to know.
How you could ever hurt me so?
I need to know what I've done wrong.
And how long it's been going on.
Was it that I never paid enough attention?
Or did I not give enough affection?
Bigla akong napatigil sa pagbabasa ng poetry book ko dahil sa sobrang ingay na gawa ng apat na bayotang nagsi-upo sa katabi naming table. Mga bwisit na bakla.. ang iingay. Parang galing yata sa bundok ng tralala. Mga attention seeker. Buti sana kung pagkagaganda. Mga nuknukan naman ng jologs!
Napatingin nalang ako sa mga kasama ko, tumango lang ang isa sa kanila. Go signal na ituloy ko ang poetry reading. Itutuloy ko na sana ang pagbabasa ng may marinig kami from the other table.
chakang bayot 1: mga bakla! may crush akong blogger!
Nagkatinginan kaming mga coffee babies... bloggers yata ang mga putang ina. At kung mga bloggers ito, malamang nagsisimula palang. Dahil bakit hindi nila kami kilala? Kaming mga blogging royalties. Choz! Kaya naman nanahimik muna kami. Wala naman sa ugali namin ang mangialam at makinig sa usapan ng may usapan, pero shetness, ang lalakas lang ng mga boses ng mga higad. High-pitched pa. Nakakarindi!
chakang bayot 2: sino naman yang blogger na yan?
chakang bayot 1: si
(insert blogger URL here)..... i swear ang cute niya....
Nanginginig pa si bakla sa kilig. Parang sinilihan ang tumbong. Nagkikindatan naman kaming mga coffee babies bilang kilala namin ang pinag uusapan.
chakang bayot 3: I used to read his blog. But I never really liked him. And I don't find him cute. There's something about him that screams POVERTY!
Nandilat lang ang mga mata namin sa mga binitawang salita ng pinaka chakang bakla sa kabilang table! In fairness, inglisera si bakla, pero pag nakita mo ang mukha, maniniwala kang totoo ang unicorn.
"He did not just say that!" sabi ni Viktor.
"This should be fun," dagdag na pang-aasar ni Nyl.
Natatawa lang sina Carlo at ang aming special guest. Pinipilit kong kalmahin ang sarili ko. Iniisip ko nalang na opinyon nila yun, at wala akong magagawa.
Chakang bayot 4: sobra ka naman. hindi mo nga kilala yung tao. pano mo naman nasabing mahirap?
chakang bayot 3: well i kinda imagined that he lived in a house na gawa sa hallowblocks na walang finishing. yung tipong walang flush ang banyo. na naglalagay ng ketchup sa spaghetti sauce. basta he looks impoverished.
By this time, humahagalpak na ng tawa sina Nyl at Viktor, pati si Carlo at si special guest nakikitawa na. Habang ako ay nagpupupuyos na sa galit. Sa sobrang lakas ng tawa ng mga kasama ko, natahimik ang mga bayot sa kabilang table at napatingin samin. Sobrang bilis lang ng mga sumunod na nangyari. Dinampot ko ang caramel frap sa harap ko at mega approach ko ang kabilang table.
"I'm sorry, I can't help but overhear your conversation. Are you guys bloggers?" tanong ko.
"Uhhhhm. Yes..." sagot ni chakang bayot 1 nang may halong pagtataka.
"Oh, because I blog, too. Do you know who I am?" tanong ko sabay smile. Pinipilit kontrolin ang panginginig ng buong katawan ko.
"No! We don't know who you are!" maangas na sagot ni chakang bayot 3. Ang potah at siya pa ang may ganang mag umangas ngayon?
"I am the manila bitch," nawala na ang ngiti ko.
"You are?" tanong ni chakang bayot 1, mukhang pamilyar siya sa blog ko.
Pero hindi na ako sumagot. Kasabay ng paglipad ng takip at straw ng hawak kong inumin ang mabilis na pagtulo at pagkalat ng caramel frap na ibinuhos ko sa mukha ni chakang bayot 3.
"And that's the reason why I am called that! You motherfucking son of a bitch! My boyfriend is everything but poor!" sigaw ko.
Madami pa akong sinisigaw. Hindi ko na maalala. Basta naramdaman ko nalang na hinihila ako nina Viktor at Nyl palayo.
Yes... ang nilalait lang naman nilang blogger ay ang aking PRESENT BLOGGER BOYFRIEND!
*****
Isang malaking joke ang post na ito!
Bwah